![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nagdeklara ang rehimeng Macapagal-Arroyo ng todong digma laban sa rebolusyonaryong kilusan nitong Agosto 5 bilang pagsunod sa direktang utos ng imperyalismong US. Sa isang pahayag nitong Agosto 6, sinabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas, na ang deklarasyong ito ay idinikta ni US State Sec. Colin Powell nang makipagpulong ito sa Malakanyang noong Agosto 2. Pilit na ginagamit ni Macapagal-Arroyo ang "kontra-terorismo" bilang tuntungan sa paglulunsad ng todong digma laban sa rebolusyonaryong kilusan. Sa kanyang mga pahayag, baluktot niyang ibinilang sa mga terorista ang mga rebolusyonaryong pwersa, kahanay ng mga kidnaper, ismagler at iba pang mga kriminal na elemento. Kaugnay nito, iniutos niya ang paglilipat ng libu-libong tropa ng AFP na nanalanta sa Basilan tungo sa mga lugar na pinaghihinalaan nilang mga teritoryo ng rebolusyonaryong kilusan. Kabilang dito ang ilan sa mga batalyong nakapakat laban sa Abu Sayyaf sa Kanlurang Mindanao na iniutos na ibalik sa Gitna at Hilagang Mindanao. Pinaplano ngayon ng AFP at PNP na magdagdag ng 7,000 sundalo (14 na batalyon), 5,000 bagong pulis at 15,000 bagong tauhan para sa CAFGU na gagamitin sa pagpapatindi ng kontra-rebolusyonaryong digma. Dinagdagan ng P800 milyon ang badyet ng AFP ngayong taon para sa rekrutment ng karagdagang mga batalyon. ![]() Hindi na bago ang deklarasyong ito ni Macapagal-Arroyo ng todong digma laban sa rebolusyonaryong kilusan. Sa katunayan, hindi niya inihinto ang all-out war ng rehimeng Estrada. "Pagkaupong-pagkaupo niya sa poder noong Enero 2001," ani Ka Roger, "palihim nang iniutos ni Macapagal-Arroyo ang malawakang pananalakay ng teroristang AFP at PNP sa mga larangang gerilya." "Ilang buwan nang rumaragasa sa mga sonang gerilya ang todo-todong kontra-rebolusyonaryong digma ng AFP," wika ni Ka Roger.
Mula noong ikalawang hati ng 2001, iniutos na ni Macapagal-Arroyo ang malawakang deployment ng AFP sa mga sonang gerilya. Dalawang katlo (2/3) ng kabuuang pwersa ng AFP ay nakatuon ngayon sa kampanya ng panunupil laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Nakadeploy sa Timog Katagalugan ang 19 na batalyon ng AFP at PNP. Ngayong taon, mismong si Macapagal-Arroyo ang nag-utos na ideploy ang siyam na panagupang batalyon sa isla ng Mindoro. Bagamat kasabay nito�y muli niyang binuo ang GRP negotiating panel noong Mayo 2001 upang makipag-usap sa NDFP, wala naman itong ipinakitang kaseryosohang ipatupad ang mga naunang kasunduan upang pasulungin ang usapan. Katunayan, binuwag rin ito ng rehimen nitong Marso 2002. Ayon kay Ka Roger, ang deklarasyon ng all-out war ay mahigpit na kaugnay ng layunin ng US na tiyakin ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa at bigyang-daan ang direktang panghihimasok ng mga ito sa kontra-rebolusyonaryong digma. Gagamitin din kaugnay nito ang nakatakdang siyam na buwang pinagsanib na pagsasanay-militar na isasagawa sa mga sonang gerilya simula sa Oktubre. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|