![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
BINATIKOS sa internasyunal na kumperensya ukol sa AIDS na idinaos sa Thailand noong Hulyo 11-16 ang mga patakaran at hakbangin ng US na humahadlang sa pagpapalaganap ng mga murang gamot laban sa HIV, ang mikrobyong sanhi ng AIDS. Tinuligsa ng mga delegado sa pagtitipon ang mga bilateral na kasunduang pinapasok ng US upang protektahan ang interes ng mga kumpanya ng gamot, taliwas sa isang internasyunal na kasunduang pinagtibay ng World Trade Organization sa Doha, Qatar noong 2001. Sa ilalim ng kasunduan, binibigyang-laya ang mahihirap na bansa na balewalain ang mga patent ng mga kumpanya ng gamot upang makabili ng mas murang mga gamot laban sa AIDS at iba pang sakit. Ang kasunduan sa Doha noong 2001 ay bumasag sa mahigpit na kontrol ng mga higanteng multinasyunal sa produksyon at pagbebenta ng mga gamot laban sa HIV. Nakatulong ito sa pagpapababa ng halaga ng pagpapagamot ng HIV mula mahigit $10,000 (P55,000) taun-taon tungong isang dolyar (P55) o mas mababa pa araw-araw. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|