Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
�Sinukol tayo, kaya�lahat ng may sandata ay dapat lumaban hanggang kamatayan,� ang buod ng 30-minutong panawagan sa mamamayang Moro noong Pebrero 24 ni Hashim Salamat, tagapangulo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Sa kanyang pahayag sa radyo, madamdaming binigkas ni Salamat na kailangang magbuwis ng buhay. Sa ganitong paraan lamang, aniya, maaangkin ang kalayaang mithi ng mamamayan ng Bangsamoro.
Ang mensahe ni Salamat ay tugon sa walang patid na panibagong atake ng AFP sa mga kampo ng MILF na nagsimula noon pang Disyembre 2002 at nag-ibayo simula nang iutos ni Macapagal-Arroyo noong Pebrero 15 na lipulin ang MILF. Baluktot na ikinatwiran ng mga upisyal ni Macapagal-Arroyo na nilabag ng MILF ang kasunduang tigil-putukan at sinabing dapat na rin itong ituring na �terorista.�
Mula noong Pebrero 8, mahigit 120,000 nang mamamayan sa Maguindanao at North Cotabato ang napwersang lumikas bunsod ng pambobomba at operasyon ng AFP.
Dahil sa mga operasyon ng AFP, sinabi ni Salamat na �Wala na ngayong tigil-putukan, wala nang usapang pangkapayapaan.�
Sa pagtatanggol sa sarili, naglunsad ng serye ng mga gerilyang kontra-atake ang mga mandirigma ng MILF isang araw makaraang sakupin ng AFP ang �Buliok Complex� na sumasaklaw sa North Cotabato at Maguindanao. Sampung elemento ng Philippine Marines ang namatay sa ambus sa Narciso Ramos Highway sa Parang, Maguindanao, at isang tangke ang nawasak sa Balabagan, Sultan Kudarat noong Pebrero 16.
Noong Pebrero 18, umabot naman sa 16 ang patay at 15 ang sugatan sa mga elemento ng 26th IB, 64th IB at mga paramilitar nang ambusin ang isang sasakyang militar at ilunsad ang iba pang mga reyd sa Matanog, Shariff Aguak at Datu Piang sa Maguindanao at sa Kauswagan, Lanao del Sur. Samantala, hinaras noong Pebrero 22 ang detatsment ng 57th IB sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Inambus naman at napatay noong Pebrero 24 sa Sirawai, South Cotabato ang dalawang elemento ng CAFGU; at anim na sundalo sa Buldon, South Cotabato.
Limang sundalo ang napatay nang salakayin ng MILF ang detatsment ng 33rd IB sa Barangay Timbabawan, Tungawan, Zamboanga Sibuguey noong Pebrero 25. Tatlo namang elemento ng 7th IB ang napatay sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat nang tambangan sila rito noong Pebrero 28.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|