Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pinalulutang ng utang

 Read this article in English

Noong Disyembre 2004, ang kabuuang utang ng reaksyunaryong gubyerno ay umabot na sa P3.8 trilyon. Lumaki ito nang 13.6% kumpara noong katapusan ng 2003. Kung isasama ang utang ng mga pampublikong korporasyon at mga utang na ginarantiyahan ng gubyerno, aabot sa P5.9 trilyon ang kabuuang pampublikong utang ng Pilipinas.

Hindi sasapat ang inaasahang malilikom na pondo para sa taong 2005 para mabayaran ang itinakdang bahagi ng utang. Upang tustusan ang tinatayang depisit sa badyet na ibubunga nito, kakailanganin ng rehimeng Arroyo na muling mangutang. Noong Enero ay naglabas na ito ng $1.5 bilyong halaga ng mga bono (mga sertipiko ng pangungutang ng gubyerno sa publiko). Nakatakda itong mangutang ng hanggang $4 bilyon sa loob ng kasalukuyang taon.

Malaon nang nabubuhay ang reaksyunaryong gubyerno sa pamamagitan ng malawakang pangungutang. Bagsak ang lokal na produksyon na nakatuon sa eksport dahil sa pagkitid ng dayuhang pamilihan para sa mga produktong iniluluwas mula sa Pilipinas.

Di rin signipikante ang kapital na pumapasok sa bansa. Katunayan, tatlong taon nang hindi umaabot sa $1 bilyon ang dayuhang pamumuhunan sa bansa. Noong 2004, bumagsak nang 54% ($680 milyon) ang dayuhang pamumuhunan kumpara sa 2003. Katulad ng nakaraang halos limang taon, ang direktang puhunan ay nakatuon lamang sa sektor ng telekomunikasyon at nitong taon, sa dagdag na pamumuhunan ng Kirin Brewery Inc. ng Japan sa pagpapalawak ng San Miguel Corporation.

Noong 2004, umabot sa $595 milyon ang depisit sa balance of payments ng bansa. Napigilan lamang ang pagsirit nito dulot ng pangungutang ng gubyerno ng $1.5 bilyon nitong Enero at ng wala pang kapantay na paglaki ng remitans ng mga overseas contract worker na umabot sa $8.5 bilyon noong nakaraang taon.

Upang kumbinsihin ang mamamayan na lunukin ang sunud-sunod na mga bagong buwis, nais ng rehimeng US-Arroyo na palabasing sila ang makikinabang sa malilikom na pondo. Ngunit taliwas dito ang badyet para sa taong 2005 na walang kakurap-kurap na pinagtibay ng senado at kongreso.

Sa pag-aaral ng mga ekonomista, aabot sa 60% o P545 bilyon ng P908 bilyong pambansang badyet ang awtomatikong mapupunta sa pagbabayad sa utang. Tatlumpung porsyento naman ang nakalaan para sa panloob na gastusin ng reaksyunaryong gubyerno at militar. Malaking bahagi ang namantine para sa kinasusuklamang pork barrel ng mga pulitiko. Sampung porsyento na lamang ang nalalabi para paghati-hatian ng edukasyon, kalusugan at iba pang batayang serbisyo.

Kumpara sa nakaraang limang taon, tuluy-tuloy na lumiliit ang porsyento na nakalaan para sa mga batayang serbisyo. Aabot lamang sa 2.5% ng pambansang kita ang napupunta sa edukasyon habang 0.3% lamang ang napupunta sa serbisyong pangkalusugan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ilantad at tutulan ang papataas na antas ng interbensyong militar ng US sa bansa

Karahasan laban sa demokratikong kilusan
Magkakambal na pasista
Dalawang mukha ng pagbubuwis
Pinalulutang ng utang
Pangunahing biktima ng kagutuman ang maralitang kababaihan
Pandaraya sa bilihan ng saging, nilalabanan
Sinu-sino ang kaakbay ng Akbayan?
Sa lahat ng kalaban ng imperyalismo
Sino si John Negroponte?
Matatagumpay na Opensiba ng BHB
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.