![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ibinunyag ng isang artikulo sa magasing The New Yorker nitong nakaraang buwan na ang US Special Forces ay may mga tropa nang lihim na nag-ooperasyon sa loob ng Iran. Ayon kay Seymour Hersh, may-akda ng artikulo, mga upisyal-paniktik mismo ng US ang pinagmulan ng impormasyon. Bagamat pinabubulaanan ito ngayon ng US, hindi mahirap paniwalaan ang naturang impormasyon. Ni minsa�y hindi ikinubli ng US ang intensyon nitong �palitan ang rehimen� sa Iran kagaya ng ginawa nito sa Iraq. Matatandaang ang Iran ay ibinilang ni George W. Bush sa tinatawag niyang �axis of evil.� Kamakailan lamang, ibinilang naman ito ni US Secretary of State Condoleezza Rice sa umano�y �outposts of tyranny.� Malaon nang pinag-iinitan ng imperyalismong US ang Iran dahil sa paggigiit nito ng kasarinlan at soberanya. Ang kasalukuyang Islamikong estado ng Iran ay itinatag ng rebolusyon noong 1979 na nagpabagsak sa dating gubyernong papet ng US. ![]() Isinasangkalan ngayon ng US para sa imbing layunin nito ang umano�y lihim na programa ng Iran sa paggawa ng mga armas nukleyar. Wala itong pinagkaiba sa ipinangalandakan noon ni Bush na may weapons of mass destruction ang Iraq, na siya niyang isinangkalan para salakayin ang bansa. Pinupwersa ng US ang Iran na itigil ang programang nukleyar nito. Sa kabila ito ng pagpapatunay ng mga tagasiyasat ng UN na lahat ng deklaradong nukleyar na materyales ng Iran ay hindi ginagamit sa anumang aktibidad na ipinagbabawal ng Nuclear Non-Proliferation Treaty kung saan kalahok ang bansa. Hindi na bago ang ganitong asta ng US. Binalewala nito noon ang UN sa pagsalakay sa Iraq. Wala itong sasantuhin kailanma�t naisin nitong salakayin alinmang bansa. Istandard na gawi na rin ng US ang pagpupuslit ng mga lihim na tropa sa mga bansang nais nitong sakupin bago pa man ang aktwal na pagsalakay. Ano�t anuman, nagpahayag na ang Iran na nakahanda itong magtanggol anumang oras na sumalakay ang mga pwersa ng imperyalismo. Nitong Pebrero 17, nagpahayag ang Iran at Syria ng pagkakaisang-prente at pagtutulungan sa pagharap sa banta ng US na kapwa nakaumang sa dalawang bansa. Kapag nagkataon, lalawak at lalalim lamang ang kumunoy na kinasasadlakan ng US sa Middle East. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|