![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dinakip ng yunit ng BHB ang tatlong tauhan ng bandidong �Rebolusyonaryong Hukbong Bayan� o RHB noong gabi ng Hunyo 11 sa Sityo Kabukiran, Barangay Kalaylayan, Abucay, Bataan. Ang mga inaresto ay sina Dony Valencia alyas Relly, 24, ng Barangay Wawa; Edwin Egay alyas Lester, 19, ng Barangay Gabon; at Dindo Diaz, 23, ng Barangay Salian. Nakumpiska sa kanila ang isang .45, isang 9 mm at isang .38 at dalawang cellphone. Ang tatlo ay maayos na tinrato ng mga kasama bilang mga bihag habang nasa proseso ng imbestigasyon at paglilitis. Gayundin, sila�y inilayo sa panganib nang mapalaban ang yunit na nangangalaga sa kanila noong Hunyo 14. Matapos dinggin ang mga kasong isinampa sa kanila, napatunayang walang sapat na batayan para parusahan sina Egay at Diaz. Pinalaya ang dalawa at inentrega sa ama ni Egay. Samantala, iginawad kay Valencia ang parusang kamatayan pagkatapos makumpirma ang anim na kaso ng pagpaslang. Kabilang sa kanyang mga pinatay sina Jimmy Sanggalang ng Wawa, Abucay at Anu ng Mabatang, Abucay. Kaagad namang ipinaalam ng mga kasama sa mga magulang nito ang pasya sa kanya at kung saan nila makukuha ang bangkay. (Mula sa Himagsik, rebolusyonaryong pahayagan ng Gitnang Luzon). ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|