![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ipinahayag noong Marso 29 ni Ka Efren, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan-Far South Mindanao na iniimbestigahan ngayon ng BHB sa rehiyon ang walang pakundangang pagpaslang sa manunulat na si Marlene Garcia Esperat noong Marso 24 sa Tacurong, Sultan Kudarat. Ilan sa malalaking personalidad na iniimbestigahan ngayon ay sina Arthur Yap, dating administrator ng National Food Authority at ngayo'y secretary ng Department of Agriculture (DA), ang magkapatid na sina Lino at Roncal Montilla, mga upisyal ng lokal na gubyerno ng Tacurong at si Supt. Willie Dagane, hepe ng pulisya ng Gen. Santos City. Hindi lamang lantarang binatikos ni Esperat ang mga ito sa kanyang mga sulatin, nagsampa pa siya ng mga mga kaso laban sa kanila. Isa sa mga kasong isinampa niya sa ombudsman ang sobrang pagpepresyo ng naturang mga upisyal ng DA sa biniling mga pataba ng gubyerno noong 2003. Tumabo ang mga upisyal ng departamento ng mahigit P432 milyon mula rito. Ibinunyag din niya ang pagbubuhos ng DA ng pondo sa mga huwad na proyekto sa Cotabato. Dagdag dito, inilantad niya ang kutsabahan ng isang pribadong kontraktor at mga upisyal ng DA upang presyuhan nang sobra ang mga binili ng departamento na speedboat. Nitong taon, nagsampa si Esperat ng kasong ismagling laban kay Cong. Prospero Pichay at undersecretary ng DA na si Cesar Drilon (pamangkin ni Sen. Franklin Drilon). Ayon sa kanya, katulong si Pichay ay nagpuslit ang mga upisyal ng DA ng manok na nagkakahalaga ng P23 milyon. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|