Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Patnubay sa pagtatayo ng mga Saligang Organisasyong Masa

Sa Paglalagom



<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



February 1971


Ang sistemang komite ay tumutukoy sa dalawang aspeto ng buhay pang-organisasyon ng Partido. Ang unang aspeto ay ang dalaoy ng mga desisyon at patakaran sa buong istruktura kung paano ang mga ito ay nagmumula sa kongkretong mga karanasan sa ibaba (mula sa masa), hinahalaw sa itaas at ibinabalik sa ibaba sa isang nilagom na porma (tungo sa masa), at muling binabago ayon sa kongkretong pagsasapraktika nito, isang walang-katapusang paitaas na pag-unlad (in a never ending spiral).

Ang ikalawang aspeto ay ang sistema ng kolektibong pamumuno sa loob ng bawat komite, sangay o grupo sa bawat antas ng organisasyon. Katulad ng naipakita natin, ang kolektibong pamumuno ay napatitingkad sa pamamagitan ng palagiang pagpupulong (pormal na aspeto) at sa pamamagitan ng paghihigpit ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng kolektibo (impormal na aspeto).

Kung aanalisahin nating mabuti ang mga nakasaad sa itaas, masasabi nating oras na magagap at maisapraktika ng mga kasama ang kabuuang ng wastong paraan at estilo ng pamumuno at ang kanilang mga tungkulin at karapatan bilang mga kasapi at kandidatong kasapi ng Partido, magagap din nila at mapatitingkad ang sistemang komite ng Partido.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.