Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Patnubay sa pagtatayo ng mga Saligang Organisasyong Masa

Ang Pagpapatupad ng Demokratikong Sentralismo



<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



February 1971


Paano ipinatutupad ang demokratikong sentralismo sa buhay pang-organisasyon ng Partido?

Kung aanalisahin natin ang mga batayang kondisyon ng demokratikong sentralismo na nakasaad sa seksiyon 1, Artikulo IV ng ating Salingang Batas, makikita natin ang daloy ng mga direktiba, taktika at estratehiya at kung paano natitiyak ang katumpakang ng mga ito.

Sa dahilan ang mga nakatatas na organo o komperensiya ng Partido ang may pinakamalawak at pinakamalalim na karanasan na posible sa isang takdang panahon sa pagsasapraktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ipinagkakatiwala natin sa mga kolektibong ito ang paggawa ng mga masaklaw na patakaran, direktiba, taktika at estratehiya, at maging ang paghalal ng mga namumunong organo ng Partido. Ang mga patakarang ito ay hindi galing sa langit, at hindi bumabagsak na lamang sa kanilang paanan; ang mga ito ay ibinabatay nila, una, sa mga regular at espesyal na ulat na kailngan iakyat ng mga nakabababang organo sa tuwina, at ikalawa, sa mga kongkretong karanasan nila sa mga piling yunit o organo na nilulubugan nila sa tuwina. Bukod pa rito, ang lahat ng patakaran ay ibinababa matapos lamang ang malaya at puspusan talakayan sa loob ng nakatataas na kolektiba; hindi ito nanggagaling sa iisa o iilang tao lamang.

Samakatuwid, sa antas ng nakatataas na organo pa lamang, may sapat na kondisyon na nagtitiyak na ang lahat ng inilalabas na atas ay umangkop sa mga pangangailangan;

Una, ang mga kasama na inihahalal sa mga nakatataas na organo komperensiya ng Partido ang may pinakamalawak at pinakamalalim na posible sa isang takdang panahon sa pagsasapraktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Ikalawa, ang mga ibinababang atas ay ibinabatay sa mga regular at espesyal na ulat na kailangan iakyat ng mga nakabababang organo sa tuwina.

Ikatlo, ang mga kasamang nasa nakatataas na organo ay may nilulukubang mga piling yunit o organo na pinaghahanguan nila ng kongkretong karanasan.

At ikaapat, ang lahat ng ibinababang atas ay ibinbaba lamang matapos ang malaya at puspusang talakayan sa loob ng nakatataas na kolektibo.

Ang apat na kondisyon ito ang dahilan kung bakit sumasang-ayon ang kasapian ng Partido na ang mababang antas ay napailalim sa nakatataas na antas, at lahat ng kasapi ay napailalim sa komite Sentral at sa Pambansang Kongreso.

Batay sa mga kondisyong ito, nakapagbababa ang mga nakatataas na organo ng mga pangakalahatang prinsipyo lubhang mahalaga sa matuwid na pagkilos ng kasapian, at nakapgbibigay rin ng partikular na gabay sa pagpapatupad ng mga prinsipyong ibinababa. Ang pangkalahatang prinsipyo at partikular na gabay ang dalawang si- maihihiwalay na sarili sa pagpapatupad at pagpapalakas ng sentralismo.

Ito sa pangkalahatan ang aspeto ng sentralismo sa buhay pang-organisasyon ng Partido. Nakikitang sa aspeto ng sentralismo sa pangkalahatan, hindi pa rin maihihiwalay ang demokrasya. Ihinahanay (dissect) lamang natin ang dalawa upang higit na maunawaan ang relasyon nito sa isa't isa.

Sa kabilang dako naman, hindi tinatanggihan ng Partido ang posibilidad na ang mga nakatataas na organo o komperensiya ay maaaring magkamali o nagkulang, kahiman umiiral ang apat na kondisyon sa pagpapatupad ng sentralismo. Maaaring lumitaw pa rin ang ilang partikular na pagkakamali dahil sa limidatong karanasan at kaalaman ng namumuno tungkol sa mga bagay-bagay.

Dahil dito, nakasaad din sa ating Saligang Batas na ang bawat kasapi ay may karapatan sumalungat sa anumang desisyon o patakaran sa pamamagitan na malaya at puspusang talakayan. Balik-aralan natin ang Seksiyon 2, Artikulo III ng Saligang Batas:

"a. malayang lumahok sa mga talakayan sa mga pulong ng Partido hinggil sa mga teoretikal at praktikal na suliranin may kinalaman sa linya, mga patakaran at desisyon ng Partido;

"b. maghalal at mahala sa loob ng Partido;

"k. magharap ng mga mungkahi, pahayag o karaingan sa anumang organisasyon o organo ng Partido sa anumang antas;

"d. pumuna sa anumang organisasyon, organo o sinumang kasapi sa Partido sa mga pulong ng Partido;

"e. maglinaw o tumutol sa katangian ng Partido para sa anumang tungkulin o komite;

"g. maghabol ng anumang desisyon sa nakatataas na organo ng Partido hanggang sa komite Sentral at Pambansang Kongkreso; at

"h. humiling na humarap sa anumang aksiyong pandisiplina na ipapataw sa kanila maliban kung masasangkot ang kaligtasan ng Partido".

Ang tanging nakapag-iiba ng karapatan ng kasapi sa kandidatong kasapi ay ang susog na itong huli ay "walang karapatang maghalal o mahalal at walang tinig sa paggawa ng desisyon sa loob ng Partido". Ngunit hindi itinatanggi sa mga kandidatong kasapi ang karapatang magmungkahi at pumuna sa anumang bagay sa buhay pampartido.

Ang Seksiyon 2 ng Artikulo III ng saligan ng malaya at puspusang talakayan, na siyang magtittiyak ng aspeto ng demokrasya sa buhay pang-organisasyon ng Partido. Ano naman ang makinarya sa pagpapatupad ng demokrasya sa loob ng Partido.

Isinasaad sa Seksiyon I ng Artikulo IV ng ating Saligang Batas:

"b. Matapos ang malaya at puspusang talakayan, ang mga desisyon ng Partido ay ipatutupad nang walang pagtatangi....

"k. Lahat ng organisasyon ng Partido ay dapat sumunod sa simulain ng kolektibong pamumuno at lahat ng mahalagang suliranin ay sama-samang pagpapasiyahan."

Samakatuwid, sa bawat antas ng organisasyon, ang lahat ng kasapiang kabilang sa nauukol na komite, sangay o grupo ay maaari at dapat lumahok sa pagtatalakay ng lahat ng suliranin kailangan lapatan ng bagong patakaran, maliit man o malaki. Ang bawat kasapi ay may karapatan -- masabi pa, tungkulin -- na magsaad ng kanyang kuro-kuro at sumalungat sa pag-iisip ng nakararami. Ngunit sa oras na nakapagdesisyon na ang puspusang talakayan, isang talakayang bukas at walang-pagkukunwari (open and above-board), ang indibidwal o minorya na hindi pa rin sumasang-ayon sa desisyon ay dapat sumonod dito. Gayunpaman, hindi itinatangi sa indibidwal o minorya na muling ungkatin ang kanilang opinyon sa bawat talakayan ng komite, sangay o grupo na kinabibilangan nila, o maging sa nakatataas na organo, kung sa palagay nila ay lubhang kinakailangan.

Bakit ganito ? Sapagkat kahiman malaya at puspusan ang talakayan, hindi sa lahat ng oras aay tama ang mayorya, lalo na kung ang mayoryang ito ay hindi pa lubos ang paggagap sa teorya at praktika ng Marxosmo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Maaaring sa paglipas ng panahon ay makita ang katumpakan ng mga opinyo ng indibidwal o minorya. Ito ang dahilan kung bakit, sa Kongkreso ng Partido KOmunista ng Tsina na idinaos noong 1973, idiniin ang panawagang "mangahas na sumalungat sa aogs" (dare to go against the tide). Ang lahat ng kasapi at kandidatong kasapi ng Partido ay dapat mangahas na sumalungat sa agos, gaano man ito kalaki at gaano man ito kalakas; ngunit sa paraang bukas at walang pagkukuwanri, hindi sa paraang lihim at makaahas.

Ito sa pangkalahatan ang aspeto ng demokrasya sa buhay pang-oranisasyon ng Partido. Sa uulitin, makikitang sa aspeto ng demokrasya s pangkalahatan, hindi pa rin mahihiwalay ang sentralismo. Ihinahanay (dissect) lamang natin ang dalawa upang higit na maunawaan ang relasyon nito sa isa't isa.

Ang sentralismo ay nababatay sa demokrasya at ang demokrasya ay napaiilalim sa sentralisadong pamumuno, ayon sa ating Saligang Batas. Ang kongkretong makinarya sa paglalapat ng prinsipyo ito ay ang tinatawag nating sistemang komite ng Partido.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.