Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Patnubay sa pagtatayo ng mga Saligang Organisasyong Masa

Patingkarin ang Sistemang Komite ng Partido



<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



February 1971


Tayong lahat ay ipinanganak at lumaki sa isang lipunang malakolonyal at malapiyudal, na kung saan ang indibidwalismo, otoriyanlismo, at sistema ng piyudal na relasyon ay laganap at nakatanim nang malalim sa ating mga isipan. Sa paglahok natin sa pambansang demokratikong rebolusyon, di sasalang dala-dala nating lahat ang mga sakit ng kasalukuyang lipunan, sa ibat ibang antas at ibat ibang paraan. Bagamat natutunan na natin ang kahalagahan ng proletaryong pamumuhay, diyalektong paraan ng pag-aanalisa, at iba pang prinsipyo ng proletaryong pananaw-sa-daigdig, hindi maaasahang magagap natin agad-agad ang kabuuang praktika ng rebolusyon.

Dahil sa kasalatan ng ating mga karanasan bilang mga kasapi at kandidatong kasapi ng Partido, may ilan pang konsepto ng buhay-pampartido na hindi lubos na naisasapraktika at naipapalaganap. Isa na rito ang sistemang komite ng Partido. Ngunit sa dahilang tayo ay mga komunista at nakita na natin sa ating mga paglalagom na tayo ay nagkaroon ng kahinaan, tinatanggap natin ang kahinaan ito, at gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maituwid ang kasalukuyang sitwasyon.

Batay sa ating mga kahinaan at kahusayan, inilalabas ang sumusunod na gabay sa pagpapatupad ng sistemang komite ng Partido. Inaasahang magagamit ito ng lubusan ng mga bagong kasapi at kandidatong kasapi ng Partido. Gayunpaman, idinidiin na ang gabay na ito, bagamat napakapartikular at detalyado na, ay mananatili pa ring abstrakto at teoritikal habang hindi pa naipapatupad. Ang sistemang komite ng Partido, katulad ng lahat ng konsepto, ay magagagap lamang nang lubusan sa pamamagitan ng palagiang pagsasapraktika nito.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.