Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Rebolusyonaryong gabay sa reporma sa lupa

Paunang salita



<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



April 20, 1977


Kailangang malaman ng mambabasa na matagal na tayong gumawa ng mga praktikal na pag-aayos sa Seksyon 1 tungkol sa upa sa lupa at sa Seksyon 3 (k) tungkol sa interes sa pautang, na nasa Kabanata III ng ating Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa.

Sa kasalukuyang kampanya para ibaba ang upa sa lupa, bilang unang hakbang ay sinisikap nating ibaba nang limampung porsyento (50%) ang upa sa lupa na umiiral sa mga lugar na kinikilusan natin. Ang hakbang na ito ay pwedeng gawin sa partihan o sa buwisan.

Kung sa partihan, dapat nyutralisahin ang mga katiwala, o parusahan nang mabigat kung nagmamatigas laban sa patakarang ibaba ang upa sa lupa, para di malaman ng panginoong maylupa ang tunay na ani at nang sa gayo'y magawang ibaba ang upa. Kung sa buwisan naman, pwedeng paulit-ulit na sabihin sa panginoong maylupa na masama ang ani, hanggang pumayag siyang ibaba nang limampung porsyento (50%) ang upa sa lupa (buwis) at burahin o aregluhin ang utang na naging resulta ng naunang masasamang ani (tunay man o kunwari). Sa ano't anuman, pwedeng parusahan nang mabigat ang panginoong maylupa na lumalaban sa ating patakarang ibaba ang upa sa lupa at siya mismong nangangasiwa sa pag-aani.

Kung bigla-bigla't isahang-panig na ibababa ang upa sa lupa hanggang sampung porsyento (10%) ng ani, pwedeng malantad ang ating kampanya nang wala sa panahon at maakit na manupil ang kaaway at mga panginoong maylupa, bagay na hindi pa kayang harapin ng rebolusyonaryong pwersa sa mga sonang gerilya.

Sa kampanya naman para pawiin ang usura, ang unang hakbang ay ibaba nang limampung porsyento (50%) ang mapang-usurang interes na umiiral sa mga lugar na kinikilusan natin. Kung ibababa pa natin ang interes dahil mapang-usura pa rin ito (lampas sa labindalawang porsyento [12%] sa loob ng isang taon kahit may kolateral na ani), dapat lagi nating itakda ang interes sa porsyentong papayag pang magpahiram ang mga nagpapautang at nakikinabang din naman ang mga mangungutang.

Masyadong mababa ang interes na anim na porsyento, laluna ngayong di mapigilan ang implasyon. Itatago lamang ng mga nagpapautang ang kapital nila, at sikreto silang pupuntahan ng mga gustong umutang na magpiprisinta mismong magbayad ng mapang-usurang interes. Dapat tayong magpatibay ng mga riyalistikong patakaran na madali nating maipapatupad at madaling masusunod ng masa, laluna sa mga sonang gerilya.

Karaniwang ipinapalagay na ang Kabanata IX (tungkol sa mga buwis sa agrikultura) ay pleksibleng gabay pa lamang imbis na tuntuning mahigpit na sinusunod. Ang pagsingil ng buwis ay pwede lamang ibatay sa antas ng pag-unlad ng ating kapangyarihang pampulitika at sa tagumpay ng ating kampanya sa reporma sa lupa.

Kailangan ding malaman ng mambabasa na bilang resulta ng Ikatlong Plenum ng Unang Komite Sentral, tulad ng makikita sa "Mahigpit Nating mga Tungkulin", hindi na natin ginagamit ang terminong "komiteng pang-organisa ng baryo". Kung gayon, pwedeng gumawa ng bahagyang pagbabago sa mga artikulo 1, 2, 3, 4, 6 at 8 sa Kabanata II ng ating Gabay sa Pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan.

Amado Guerrero, Tagapangulo
Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.