Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Rebolusyonaryong gabay sa reporma sa lupa





<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>



April 20, 1977


Isinaayos ang Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa alinsunod sa mga pagbabagong itinadhana sa Paunang Salita ni Tagapangulong Amado Guerrero noong ika-20 ng Abril 1977 at alinsunod sa mga kapasyahan ng ika-10 Plenum ng Komite Sentral ng Partido at ng KPKS 1994 na may kinalaman dito.

Kabilang dito ang sumusunod:

Mula sa Paunang Salita ni Tagapangulong Amado Guerrero noong Abril 20, 1977:

1. Pagtatakda ng 50% pagbaba sa upa sa lupa mula sa dinatnang umiiral na upa sa lupa sa mga lugar na kinikilusan ng BHB bilang panimulang hakbang sa pagpapababa sa upa sa lupa.

1.1 Pinalitan ang Seksyon 1 ng Kabanata III.

2. Pagtatakda ng 50% pagbaba sa interes sa pautang mula sa dinatnang umiiral na interes sa pautang sa mga lugar na kinikilusan ng BHB bilang panimulang hakbang sa pagpapababa sa interes sa pautang.

2.1 Pinalitan ang letra k ng Seksyon 4 ng Kabanata III

2.2 Isinaayos din ang letra d ng Seksyon 4 ng Kabanata III

2.3 Inalinsunod din sa probisyon ng letra k ng Seksyon 4 ng Kabanata III ang Seksyon 7 ng Kabanata V.

3. Hakbang-hakbang na patuloy pang pagpapababa ng upa sa lupa mula sa 50% pagpapababa sa dinatnang umiiral na upa sa lupa hanggang sa sa10% o mas mababa pa sa bawat netong ani batay sa paglakas ng mga rebolusyonaryong pwersa sa mga lugar na saklaw ng mga larangang gerilya.

3.1 Idinagdag ang Seksyon 2 sa Kabanata III

4. Pagtatakda ng interes sa pautang na di na mapang-usura ngunit makahihikayat pa rin sa mga nagpapautang na patuloy pang magpautang.

4.1 Tingnan ang letra k ng Seksyon 4 ng Kabanata III

5. Pag-aalis ng komiteng pang-organisa ng baryo sa mga artikulo 1,2,3,4,6, at 8 sa Kabanata II ng Gabay sa Pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan alinsunod sa paglilinaw sa "Mahigpit Nating mga Tungkulin" na resulta ng Ikatlong Plenum ng Unang Komite Sentral ng Partido.

5.1 Isinaayos ang Artikulo 2 ng Kabanata II ng Ikalawang Bahagi ng Patnubay sa Pagtatatag ng Demokratikong Gubyernong Bayan

Mula sa mga desisyon ng Ika-10 Plenum ng Komite Sentral ng Partido at KPKS 1994:

1. Ipatutupad ang maksimum na programa ng Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa pagkatapos makamit ang tagumpay sa buong bayan ng demokratikong rebolusyong bayan. (Tingnan sa dokumentong "Muling Pagtibayin ang Ating Mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali", Programa ng Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas)

1.1 Pinalitan ang Seksyon 2 ng Kabanata II.

1.2 Idinagdag ang Seksyon 3 sa Kabanata II.

1.3 Isinaayos ang Seksyon 4 ng Kabanata II.

2. Isasabansa ang mga lupaing pag-aari ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesyang komprador at mga imperyalista. (Tingnan sa dokumentong "Muling Pagtibayin ang Ating Mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali", "Ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong Bilang Gabay sa Rebolusyong Pilipino", Programa ng Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas).

2.1 Isinaayos ang Seksyon 2 ng Kabanata II, gayundin ang Seksyon 9 ng Kabanata VI.

2.2. Isinaayos ang Seksyon 1 at Seksyon 2 ng Kabanata IV

2.3 Isinaayos ang Seksyon 11 ng Kabanata V upang linawin na ang lupang maaaring ipagbili ng benepisyaryo ng reporma sa lupa ay ang lupang dating pag-aari niya bago pa mamahagi ng lupa.

3. Inilagay na ang pangalan ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid sa Pilipinas o PKM bilang upisyal na pangalan ng rebolusyonaryong samahan ng makabayang magsasaka sa bahagi tungkol sa Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Samahan ng Makabayang Magsasaka.

Iba pa:

1. Idinagdag ang Seksyon 15 sa Kabanata III upang ilinaw na bahagi ng minimum na programa ang kampanya para sa pagpapataas ng produksyon ng masang magsasaka.

2. Idinagdag ang Artikulo II sa Mga Tuntunin ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid sa Pilipinas

3. Idinagdag ang Seksyon 14 ng Artikulo III ng Mga Tuntunin ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid sa Pilipinas.

4. Idinagdag sa Seksyon 11 ng Artikulo IV ng Mga Tuntunin ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid sa Pilipinas ang pangalawang tagapangulo sa kalusugan.

Disyembre 2001


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.