|
Araw ng Manggagawa |
Download mp3 (2.8 mb) |
Nilikha sa Kamaynilaan noong 1978
|
|
Harapin araw ng pakikibaka!
|
|
Ang lakas nasa pagkakaisa!
|
|
Taglay natin ang isang panata:
|
|
|
Bukas ay isang malayang umaga.
|
|
|
Ito'y araw ng kabayanihan
|
|
Tayo'y di magagapi kailan pa man
|
|
Maghirap man o magbuwis ng buhay
|
|
Sa pakikibaka t'yak magtatagumpay!
|
|
Ito'y araw ng kabayanihan
|
|
Tayo'y di magagapi kailan pa man
|
|
Maghirap man o magbuwis ng buhay
|
|
Sa pakikibaka t'yak magtatagumpay
|
|
|
Ang kalaba'y maglaan anumang bitag
|
|
Pagdusta, parusa o pamamaslang
|
|
Itakwil nating lahat ang pahirap
|
|
Kaapiha'y atin nang bigyang wakas
|
|
Ang katarungan ay ating lakas!
|
|
|
Yama'y ating likha, ano't busabos?
|
|
Ati'y kalayaan, bakit nakagapos?
|
|
Ang lakas nati'y bakit dinudurog?
|
|
Katarungan! Ang sigaw ng nalugmok
|
|
Katarungan! Tayo rin ang tutubos
|
|
|
|
|