Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  








Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Awit sa Kasal
Download mp3 ( mb)

Ang kantang ito ay nilikha para sa kasal ng dalawang kasama sa Bikol noong 1978. Ang naglapat ng musika ay si Jun Quimpo, isang Pulang Mandirigmang napatay sa Nueva Ecija noong Disyembre, 1981.
Kung namamalas ninyong
May ulap sa silangan
Karimlan ng gabi
Ay huwag gawing mapanglaw
Magkatugmang damdaming
Luwal ng digmaan
Pinagtibay ngayon ng makauring kasal.
Una sa lahat, baya'y paglingkuran
Mag-ambag ng salinlahi sa himagsikan
Inyong pagmamahalan
Gawing 'sang huwaran
Dagdag na lakas sa paggapi sa kaaway
Ito'y isang bagong yugto ng inyong buhay
Pinag-aaralan nang hindi mahandusay
Ngunit kung may krisis
Na sa daa'y humaharang
Alalahanin ninyo ang mga gintong aral
                                     

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.