|
| Kay hirap ng buhay dito sa kaingin
|
|
| Sa maghapo'y pagod sa ating gawain
|
|
| At maging sa gabi'y di ka patulugin
|
|
| Sa bigat ng ating mga suliranin.
|
|
|
| Masukal na gubat matapos hawanin
|
|
| Malalaking kahoy maihapay natin
|
|
| Ang palay at ahoy ating itatanim
|
|
| Upang may makain ang pamilya natin.
|
|
|
| Ngunit ano itong gawa ng gubyerno
|
|
| Bawal magkaingin sabi ng montero
|
|
| Habang ang konsesyon nitong si Morato
|
|
| Nagpapatuloy sa pagkuha ng troso.
|
|
|
| At ang lalong grabe ay ang mangangamkam
|
|
| Hayop na surbeyor at PCng tulisan
|
|
| Matapos mangikil tayo’y babantaan
|
|
| At walang awa pang ipagtatabuyan.
|
|
|
| Kaya’t ang lunas ay ang pagkakaisa
|
|
| Humawak ng baril tayo’y makibaka
|
|
| Ipagtanggol natin lupang sinasaka
|
|
| At ang pang-aapi’y ating wakasan na.
|
|
|
| Sa tulong ng hukbo, gabay ng Partido
|
|
| Pakikibaka ay susulong, lalago
|
|
| Pagsasamatala ay maigugupo
|
|
| At ang tagumpay ay ating matatamo.
|
|