Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  








Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Pandaigdigang Awit
Download mp3 ( mb)

Ang titik ay isinulat ng isang kasama sa Cagayan Valley noong 1979. Ang tugtugin ay hango sa isang awitin sa pangangaso ng mga Aggay, isang tribung minorya sa Hilagang Luson.
Mamamayan ng daigdigan
Magbangon at lumaban
Bawiin mo ang kayamanang
Kinamkam ng mga gahaman.
Uring api’y magkaisa
Maghimagsik at makibaka
Wala tayong mapapala
Sa paghihintay sa Bathala.
Ito'y huling laban
Na tatapos sa ating kaapihan.
Ito’y huling laban
Na lilikha sa ating kalayaan.
Ang mga gahaman
Ay di dapat na mabuhay.
Lipulin silang lahat!
Ang maso at ang karit
Panghawakan nang mahigpit
Iya'y tanda ng pagkakaisa
Nating mga anakpawis
Sa ating pagkakaisa
Malilikha ang umaga
Isang lipunang malaya 
Wala na ang pagsasamantala.
Ang laot ng kanayunan
Sa buong daigdigan
Unti-unting pumupula
Patungo sa kalunsuran.
Pandaigdigang himagsikan
Ito'y huling pakikipaglaban
Ng buong sangkatauhan
Imperyalismo'y labanan.
Lipulin silang lahat,
Lipulin silang lahat!

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.