Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Agosto 1999
Komiks
TOC Ang Mapang-aping Estado ang Nagtutulak sa mga Menor de Edad sa Landas ng Rebolusyon*


*Inilathala sa Pasa Bilis (Mayo-Hunyo, 1999), ang pangmasang pahayagan ng NDF sa Timog Mindanao

Ang sinumang Pilipinong may mabuting pa-ngangatawan at pagkatao, hindi bababa sa 16 na taong gulang, at handang maglingkod sa sambayanan, ay maaaring tanggapin sa Bagong Hukbong Bayan.

Ito ang patakaran ng pagpapasampa na nakasaad sa mga batayang panuntunan ng BHB. Binibigyang- diin ngayon ng NDF-Timog Mindanao ang patakarang ito kaugnay ng mainit na isyu hinggil sa pagpapasampa ng mga menor de edad sa BHB.

May mga pambihirang sitwasyon na kung saan ang mga bata at menor de edad ay matatagpuang nakikisilong sa mga pormasyong militar ng BHB bunga ng mapagsamantala at mapang-aping kalagayan na umiiral sa kanayunan. Lalupa�t ang mga kabataan ang isa sa mga pangunahing pumapasan ng matinding kagutuman at pagdarahop bunga ng krisis sa ekonomya at mabangis na militarisasyon sa mga baryo. Biktima ang masang magsasaka laluna ang mga kabataan sa mga kampanyang militar ng AFP. Ang mga kabataan ang kadalasang unang natatamaan sa mga operasyon ng militar.

Isang kaso ang pagpapaulan ng bala sa isang pamilya sa Barangay Mahan-ob, Baganga, Davao Oriental, ng mga miyembro ng 30th Special Forces sa ilalim ni Lt. Achilles de la Cruz. Dalawang bata ang napatay sa pangyayaring ito. Pinatay ang kanilang ama na sinuutan ng unipormeng fatigue para palabasing siya ay kasapi ng BHB at kung gayo�y nararapat lamang na walang pakundangang pagbabarilin.

Ang sunud-sunod na mga akusasyon kaugnay ng sinasabing �menor de edad sa BHB,� na siyang ginagamit ng militar bilang bala sa kanilang itim na propaganda ay malinaw na nagpapakita sa pasista at abusadong katangian ng AFP. Tahasan nilang niyuyurakan ang mga karapatan at interes ng mga kabataan.

Sa kabilang banda, malugod na tinatanggap at kinakalinga ng BHB ang mga kabataan sa panahon ng matinding pangangailangan. Halimbawa�y hindi nila pinapabayaan ang mga ulila bagkus sila�y kadalasang inaampon ng mga BHB hanggang sa may pamilya nang handang kumupkop sa kanila. Itinuturing silang parang mga kapatid at kamag-anak ng mga Pulang mandirigma.

Kahit pansamantala lamang ang pagsama ng mga kabataan sa BHB, tinuturuan sila ng magagandang asal tulad ng pagiging magalang, ng kaayusan at hustisya. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga simple at magagaan na gawain tulad ng paggagamot sa komunidad (acupuncture, herbal at iba pang gawaing medikal), gawaing pangkultura (pagsali sa mga dula at pagsulat), literasiya at isports.

Ang buhay gerilya ng BHB at ang pagtaguyod nila sa prinsipyo ng paglilingkod sa sambayanan ay isang paraan ng kongkretong pagsasabuhay sa mithiin ng mga kabataan.

Isang halimbawa si Cheche. Ninais ni Cheche na paglingkuran ang kanyang mga kababaryo bilang isang medik. Pero nasa �on -the- job training� siya nang lusubin sila ng mga berdugong militar sa ilalim ni Lt. Allen Thomas ng 73rd IB ng PA. Si Cheche ay isang non-combatant (di kasali sa armadong labanan), hindi siya isang Pulang mandirigma. Gayundin si Bryan. Sumama siya sa kanyang tiyuhing community organizer sa Bagangga nang lusubin sila ng 30th Special Forces noong Mayo 4. Nais lang sanang malaman ni Bryan kung paano pinakikilos ang masang magsasaka laban sa mga despotikong panginoong maylupa.

Ang mga menor de edad na tulad nina Cheche at Bryan ay hindi itinatalaga sa labanan. Pero dahil sa mga pasistang pag-atake ng AFP, tulad ng ginagawa nila ngayon sa Katimugang Mindanao, napipilitan silang lumaban sa pamamagitan ng armadong pakikibaka. Hindi sila biktima ng indoktrinasyon kundi sila�y mga matatapang at mabubuting huwarang kabataang nakikibaka para sa pagbabago ng lipunan. Biktima sila ng isang mapagkunwari at bulok na sistema na nagkakalat ng maitim na propaganda laban sa BHB. Walang matatamong katiwasayan at malinaw na patutunguhan sa ilalim ng ganitong sistema. Nasa demokratikong rebolusyon ng bayan ang tunay nilang kinabukasan.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.