Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Datos sa Kabuhayan


(i) Ano nga ang pangalan nila? Piduy ang aking palayaw� si Alpredo. Apelyido? Sonio� �Z� o �S� ang simula? Hindi ko alam� Ano ang ginagamit sa sensus ninyo? Hindi kami nakakaranas ng sensus� Isusulat ko na lang na nagsisimula sa �S,� payag ka ba? Kahit ano ang nasa una, Kasama�   (ii) Ilang taon na kayo? Ummm� hindi bababa sa sitenta� Hindi ka sigurado? Hindi ko na maalala kung kailan ako ipinanganak� Naabutan mo ba ang panahon ng Hapon? Nakapantalon na ako noon... Kaninong mukha ang nasa pera noon? Nakalimutan ko na�   (iii) Saang lugar kayo ipinanganak? Dito at matagal na kami sa lugar na ito� Ang ibang kamag-anak? May buhay at may patay na�   (iv) Paano ka naghahanapbuhay? Tinutulungan ako ni Seloy� Seloy? Ang bunso kong anak� May pamilya na siya? Lima na ang apo ko sa kanya�   (v) Ano ang trabaho ni Seloy? Nagkakaingin.. nagtatrabaho sa kampo militar� Gaano kalawak ang kanyang kaingin? Maliit, mga limang rayna� Ilan ang ani? Kung maganda ang panahon, hanggang Enero na pangkain� Anong trabaho niya sa kampo? Nagbibiyak ng kahoy, nag-aayos ng bakod� kung anu-ano pa� Magkano ang bayad? Hindi makakabili ng isang gatang na bigas�   (vi) Ang asawa niya? Isang katulong� Sa loob ng bahay? Kung minsan, sa kampo militar din, naglalaba ng uniporme ng armi� Magkano ang kita niya? Maliit� sapat para sa sabon at gaas lamang� Tuwing kailan siya nakakauwi? Tuwing linggo, kung minsan bawat apat na araw� Paano ang mga kabataan? Dala niya yung bunso, yung iba, ako ang nag-aalaga�   (vii) Nag-aaral ba ang mga bata? Hindi� malayo ang eskwelahan� Gaano kalayo? Humigit-kumulang isang araw na lakad� Paano na lang sila? (Walang sagot, malayo ang tingin) Paano na lang ang ganitong klaseng buhay? (Walang sagot, nakatingin lamang sa aking armalayt).  


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.