Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
TOC 100 taon: 1902-2002


1901, 1 Hulyo. Umuwi mula Espanya si Isabelo de los Reyes o Don Belong.

1901, 30 Disyembre. Itinatag ang Union Impresores de Filipinas (UIF).

1902, 2 Pebrero. Itinatag ang Union Obrera Democratica (UOD).

1902,11 Enero. Ipinanganak ang makabayang aktres ng sarswela at mang-aawit na si Honorata �Atang� de la Rama.

1902,19 Pebrero. Hinuli ng ng hukbong Amerikano ang rebolusyonaryong lider na si Vicente Lukban.

1902, Marso. Inilathala ang librong Ano ang Gagawin? Ni Vladimir I. Lenin.

1902, Abril. Itinanghal ang unang zarzuela ni Severino Reyes na pinamagatang R.I.P.

1902-1905. Panahon na kung saan itinuring ang teatro bilang teatro ng masa at para sa masa

1902,14 Hunyo. Itinanghal sa Teatro Zorilla ang zarzuela ni Severino Reyes na Walang Sugat.

1902,7 Hulyo. Unang itinanghal ang dulang Tanikalang Guinto ni Juan Abad.

1902, 2 Agosto. Naglunsad ng kauna-unahang kordinadong welga ang mga manggagawa sa pangunguna ng UOD.

1902, 3 Agosto. Itinatag ang Iglesia Filipino Independiente (IFI) sa pangunguna ni Don Belong

1902, 9 Agosto. Nagwelga ang mga manggagawa sa Commercial Tobacco Factory sa Malabon.

1902,17 Agosto. Inaresto si Don Belong sa salang sedisyon at rebelyon.

1902,26 Agosto. Itinanghal ang anti-kolonyalistang drama simbolikong Malaya ni Tomas Remigio.

1902, 29 Agosto. Nahatulan si Don Belong ng apat na buwang pagkakabilanggo sa salang sedisyon.

1903, 2 Pebrero. Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng UOD sa Cine Obrero. Bagong pangulo si Dr. Dominador Gomez.

1903,12 Pebrero. Namatay si Jose Palma, awtor ng mga titik ng Pambansang Awit.

1903,Abril. Nagbanggaan si Dr. Gomez at Gob. Taft hinggil sa pagdiriwang ng Mayo Uno sa Pilipinas.

1903,1 Mayo. 100,000 na manggagawa lumahok sa pinakaunang pagdiriwang sa Pilipinas ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

1903,10 Mayo. Ipinagbawal ang pagpapalabas ng Tanikalang Guinto ni Juan Abad. Hinuli siya�t ikinulong sa kasong subersyon.

1903. Dumating si Edward Rosenberg ng American Federation of Labor na isa sa nagpasimuno ng panghahati sa hanay ng manggagawa.

1903,14 Mayo. Hinuli ang mandudula�t lider manggagawa na si Aurelio Tolentino sanhi ng dula niyang Kahapon, Ngayon at Bukas.

1903, 20 Mayo. Inaresto si Dr. Gomez sa utos ng rehimeng US sa pamumuno ni Governor Taft.

1903. Itinatag ang opisyal na pahayagang Los Obreros ng UOD.

1903, 29 Mayo. Sabayang nireyd ng mga pulis ang bahay ni Dr. Gomez at palimbagan ng pahayagan ng UODF na Los Obreros.

1903, Hulyo. Nagwelga ang mga manggagawa sa Manila Railway and Electric Company (MERALCO) bilang protesta sa pagkaaresto kay Gomez.

1904. Hinuli at hinatulan ng habang-buhay na pagkakakulong si Aurelio Tolentino. Siyam na beses siyang makukulong.

1905. Naganap ang Rebolusyong 1905 sa Rusya.

1906. Inilimbag ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.

1906,12 Marso. Isinulat ni Mark Twain, isang Amerikanong nobelista ang isang artikulo hinggil sa pagmasaker ng mga sundalong Amerikano sa 600 Moro sa Bundok Dajo.

1906. Inilathala ni Maxim Gorky, rebolusyonaryong manunulat ng Rusya, ang kanyang akdang Ang Ina.

1907. Isinulat ni Aurelio Tolentino Ang Bagong Kristo, unang sosyalistang dula sa Asya.

1907. Itinatag ang samahang anakpawis na Dimas Alang nina Patricio Belen at Claudio P. Carreon.

1907. Inilathala ang sosyalistang nobelang Pinaglahuan ni Faustino Aguilar.

1907,13 Setyembre. Ibinitay si Macario Sakay kasama ang iba pang rebolusyonaryo.

1908. Inilathala ng El Renacimiento ang editoryal na �Aves de Rapina� na tumuligsa sa pananakop ng imperyalismong US.

1908. Itinatag ang Union de Marinos de Filipinas.

1908. Itinatag ang Federacion Obrera de la Industria Tabaquera y Otros Trabajadores de Filipinas (FOITAF).

1908,13 Abril. Idineklara ng Asembleyang Pilipino ang Mayo Uno bilang �Araw ng Paggawa�

1909. Inilimbag ang anti-imperyalistang nobelang Madaling-Araw ni Inigo Ed. Regalado.

1919, 23 Mayo. Nagwelga ang 600 manggagawa ng Meralco para sa dagdag na sahod at pagbabalik ng mga tinanggal.

1919. Ipinalabas ang unang full-length na pelikulang Tagalog, Ang Dalagang Bukid.

1923. Itinatag muli nina Teodoro Sandiko at Vicente Almazar ang Unyon ng Magsasaka sa Pilipinas.

1920. Itinatag ang Komunis Indonesia (PKI) ang unang partido Komunista sa Asya.

1924, 29 Enero. Namatay si Lenin sa edad na 54.

1925, 9 Mayo. Inilathala sa Liwayway ang tulang �Bayani� ni Amado Hernandez.

1925,20 Hulyo. Dumating ang komunistang Indones na si Tan Malaka sa Pilipinas; Nakipagkita kina Evangelista at iba pang lider manggagawa sa Pilipinas.

1925, 30 Nobyembre. Araw ni Bonifacio. Itinatag nina Evangelista at Ora ang Lapiang Manggagawa sa Pilipinas.

1927. Itinatag ang Kalipunang Pambansa ng mga Magsasaka sa Pilipinas (KPMP).

1927. Inilathala ang mahabang anti-imperyalistang tula ni Jose Corazon de Jesus na Sa Dakong Silangan.

1927. Umabot sa 81,000 ang kasaping manggagawa ng COF.

1928. Nilikha ang awit na Bayan Ko, titik ni Jose Corazon de Jesus, himig ni Constancio de Guzman.

1929. Umabot ng 114 ang unyon sa Pilipinas na may kabuuang bilang ng kasapi na 68,828.

1929,12 Mayo. Itinatag ang Katipunang Anakpawis nina Evangelista at Antonio D. Ora sa Templo del Trabajo.

1929, Mayo. Nagdemonstrasyon sa Maynila ang may 50,000 manggagawa at magsasaka bilang protesta sa pagpapalayas ng mga magsasaka sa kanilang lupa.

1929,15-21 Agosto. Lumahok ang KAP sa Second Pacific Congress of Trade Unions sa Vladivostok, Rusya.

1930. Itinatag ang Federacion Obreras de Filipinas (FOF) sa La Paz, Iloilo sa pamumuno ni Jose Ma. Nava. Lumaganap ang militanteng unyonismo sa Kabisayaan at Mindanao.

1930. Binatikos ng mga militanteng manggagawa, sa kongreso ng KAP, ang kadadaos na �kongreso ng independensya� ng mga burges na pulitiko.

1930, 26 Agosto. Pormal na itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Isa si Evangelista sa unang bumuo ng komite sentral nito.

1930. Inilathala ang tulang �Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan� ni Amado V. Hernandez.

1930, 7 Nobyembre. Pormal na inilunsad sa publiko ang PKP at ang programa nito sa sambayanan sa isang rali sa Tondo sa anibersaryo ng rebolusyong sosyalista ng Rusya.

1930. Inilathala ang Titis, pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).

1930,15 Disyembre. Amado Hernandez: �Habang sa kanilang mga kapit-bahay ay paskung- pasko na�t nagkakasayahan,sa dampa ng hirap, di nararanasan kung ano ang tamis ng Paskong sisilang.�

1931. Mula 1909 hanggang 1931,nagkaroon ng 715 welga na nilahukan ng humigit kumulang 164,567 manggagawa.

Mayo, 1 1930. Ipinagbawal ng rehimeng magrali ang mga manggagawa. Dinahas at tinangkang pigilan ang kongreso ng PKP. Inaresto ang daan-daang manggagawa kabilang si Evangelista at iba pang lider.

1932,16 Mayo. Namatay ang makabayan at �Hari ng Balagtasan� na si Jose Corazon de Jesus sa edad na 38.

1932, Disyembre. Libu-libong manggagawa ang nagprotesta sa Malakanyang at Korte Suprema laban sa hatol sa PKP at panunupil ng gobyerno sa hanay ng manggagawa.

1933. Itinayo ang Monumento ni Bonifacio na gawa ni Guillermo Tolentino.

1934, 30 Setyembre. Libu-libong manggagawa ang nagmartsa sa protestang libing ng apat na manggagawa ng La Minerva na napatay sa piketlayn.

1934. Nagwelga sa pagawaan ng Alhambra para sa mas mataas na sahod.

1935. Naglunsad ng armadong pag-aalsa ang mga Sakdalista sa Gitna atTimog Luzon. Sumama ang daan-daang manggagawa mula sa ilang maralitang komunidad sa Maynila.

1938, 29-31 Oktubre. Nagsanib ang PKP at Partido Sosyalista ng Pilipinas (PSP).

1939. Pagtatatag ng progresibong Philippine Writers League (PWL).

1942, 6 Pebrero. Binuo ng PKP ang Pambansang Nagkakaisang-Prente Laban sa Hapon.

1936,11 Hulyo. Naganap ang malaking demonstrasyon sa Malakanyang upang ipaglaban ang batas sa minimum na pasahod.

1942, 29 Marso. Itinatag ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap). Tinatayang umabot sa kalahating milyon ang baseng suporta nito.

1945, 5 Marso. Itinatag ang Congress of Labor Organizations (CLO) sa pangunguna nina Amado V. Hernandez at Felixberto Olalia.

1946. Naging opisyal na teksbuk ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos.

1945, 1 Mayo. naglunsad ng rali ang CLO bilang hudyat ng susunod pang mga pagkilos. 50 welga ang inilunsad sa loob lang ng isang taon.

1942, 2 Mayo. Inilabas ang Talumpati ni Mao sa Porum sa Yenan Hinggil sa Sining at Panitikan.

1945. Itinatag ang Philippine Newspaper Guild kasama si Amado V. Hernandez, Cipriano Cid at Jose A. Lansang sa pamunuan.

1946, 4 Hulyo. Ibinigay ng US ang diumanong kalayaan sa Pilipinas.

1947, 30 Hunyo. Nahalal bilang pangulo ng CLO si Amado V. Hernandez.

1948,17 Oktubre. Muling idineklarang ilegal ang PKP sa ilalim ni Quirino.

1949. Nagwagi ang Rebolusyon sa Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong.

1950-53. Tumindi ang panunupil sa militanteng Kilusang Manggagawa. Inirekomenda ng Bell Mission ng US ang pagbubuo ng mga unyon sa ilalim ng AFL.

1951, 4 Abril. Tinanggalan ng permit ng Department of Labor ang CLO bilang legal na organisasyong manggagawa. Niraid ang opisina nito at dinakip ang mga lider at miyembro.

1957. Pinagtibay ang anti-subversion law na ginamit sa panunupil sa militanteng kilusang manggagawa.

1957. Nagpahayag si Claro M. Recto ng pagpuna sa dominasyon ng US.

1962. Nagsimula ang Unang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng PKP sa pangunguna ni Jose Ma.Sison.

1961, 14 Marso. Nagdemonstrasyon ang 4,000 estudyante at kabataang guro laban sa Committee on Anti-Filipino activities (CAFA) sa bulwagan ng Kongreso.

1962. Sa pangunguna ni Jose Maria Sison, nagtipon ang lakas ng malalaking independyenteng unyon.

1963, 1 Mayo. Natapos ang pangkasaysayang mural na �Mga Pakikibakang Pilipino sa Kasaysayan� ni Carlos �Botong� Francisco.

1964, 30 Nobyembre. Itinatag sa pangunguna ni Jose Ma. Sison ang Kabataang Makabayan (KM).

1965, 25 Disyembre. Nagmartsa patungong Kongreso, palasyo at embahada ng US ang 200,000 manggagawa, magsasaka, estudyante at makabayang negosyante laban sa base-militar ng US.

1966, 8 Agosto. Nagsimula ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura sa Tsina na tatagal hanggang 1976.

1966, 30 Setyembre. Pinahayag ni Jose Ma.Sison ang pangangailangan para sa isang rebolusyong pangkultura.

1966, 12 Oktubre. Nagtalumpati si Jose Ma. Sison hinggil sa mga tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda.

1967, 7 Pebrero. Itinatag ang Movement for the Advancement of Nationalism (MAN).

1967. Inilathala ang unang edisyon ng Struggle for National Democracy (SND). May pambungad ni Teodoro Agoncillo.

1968. Muling itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na ginagabayan ng Marxismo-Leninismo at Maoismo.

1969. Itinatag ang Bagong Hukbong Bayan (BHB).

1969. Inilathala ang makabagong epiko ni Amado V. Hernandez na Bayang Malaya at ang nobelang Mga Ibong Mandaragit.

1970. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino

1970. Binuo ang Movement for a Democratic Philippines.

1970. Sumulpot ang mga bagong organisasyon ng manggagawa tulad ng Katipunan ng mga Samahang Manggagawa (Kasama).

1970. Nagsimula ang Sigwa ng Unang Kwarto (FQS).

1970. Itinatag ang Pambansang Samahan ng Makabayang Tsuper.

1971. Itinatag ang Samahan ng mga Mangggagawa sa Otel at Restoran.

1971. Itinanghal ng Panday Sining ang �Masaker sa Araw ng Paggawa� at �Welga!�

1971. Sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus at inaresto ang mga lider-masa.

1971. Unang demonstrasyon ng PAKSA sa Plaza Moriones na may temang �Panulat Para sa Pambansang Rebolusyong Pangkultura.�

1971. Pinaputukan ang pagkilos ng mga manggagawa. sa Araw ng Paggawa. Nasawi ang lider-manggagawa na si Lisa Balando.

1971. Naitatag ang aktibistang grupong pangkulturang Panday Sining na isa sa mga grupong pangkultura na nagpalabas ng mga dulang proletaryo

1971. Inilathala ni Jose Ma. Sison ang Philippine Society and Revolution (PSR).

1971. Naganap ang unang Pambansang Kongreso ng Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto (NPAA).

1971. Talumpati ni Sison sa PAKSA hinggil sa mga tungkulin ng mga kadre sa gawaing pangkultura.

1972. Inilathala ang Luha ng Buwaya, nobelang agraryo ni AV. Hernandez. Nailabas din ang Sigwa, koleksyon ng mga progresibong maikling kwento.

1972. Unang itinanghal ang dulang Welga! Welga! ng Panday Sining.

1972. Idineklara ni Marcos ang Batas Militar, maraming aktibista ang nag-andergrawnd sa pambansa-demokratikong kilusan.

1973. Inilathala ang aklat na Dare to Struggle, Dare to Win.

1972, Nobyembre. Unang inilathala ang Liberation, ang opisyal na pahayagan ng National Democratic Front of the Philippines.

1973, 24 Abril. Itinatag ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

1973, 1 Mayo. Naglabas ang PKP ng pahayag: �Manggagawa, magkaisa para ibagsak ang diktadurang US-Marcos!�

1974-75. Tumulong si Edgar Jopson, isang martir ng pambansa-demokratikong kilusan, sa pagkuha ng suporta ng mga taong simbahan sa kilusang manggagawa.

1974. Unang inilabas ang Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan.

1975. Pumutok ang makasaysayang welga sa La Tondena Inc.

1975, 23 Nobyembre. 4,000 manggagawa, maralita at gitnang pwersa ang naglunsad ng protestang misa sa Sta. Cruz Church.

1976. Ipinalabas at sinensor ang pelikulang Sakada.

1976, 1 Mayo. Idinaos ng mga manggagawa sa St. Joseph�s College auditorium ang kauna-unahang Labor Day rally sa ilalim ng martial law.

1977. Itinanghal ang dulang Pagsambang Bayan; Itinanghal din ang dulang Bagong Kristo ni Aurelio Tolentino ng Dulaang Babaylan.

1977. Itinanghal ang dulang Pagsambang Bayan; Itinanghal din ang dulang Bagong Kristo ni Aurelio Tolentino ng Dulaang Babaylan.

1980. Inilabas ang librong Hulagpos ni Mano Verdades Posadas, nobelang rebolusyonaryo.

1980. Itinatag ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

1981. Inilathala ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Isinalarawan.

1981, Abril. Binuo ang malawak na alyansa ng Pagkakaisa ng Manggagawang Pilipino (PMP), saklaw ang may 100,000 na manggagawa.

1982. Inilunsad ang �Crackdown� sa KMU. Inaresto sina Ka Bert Olalia, Crispin Beltran ng KMU at Medardo Roda ng PISTON.

1982. Itinanghal ng Tambisan ang kauna-unahang dula nito, ang Alay sa Manggagawa.

1982. Itinanghal ang dulang Sigaw ng Bayan sa Araneta Coliseum. Mahigit 25,000 manggagawa at iba pang sektor ang nanood.

1982. Itinanghal ng Tambisan ang dulang Awit, Tula at Kasaysayan. 50 beses sa iba�t ibang pabrika at komunidad.

1982, 5 Hunyo. Naglunsad ng kauna-unahang �sympathy strike� sa Bataan Export Processing Zone. May 13, 325 na manggagawa sa 24 pabrika sa loob ang nagwelga.

1983-1986. Walang kapantay na kilusang welga at mga protesta ang nangyari sa panahong ito matapos ang pagpatay kay Benigno Aquino.

1983. Binuo ang Pambansang Koalisyon ng mga Manggagawa Laban sa Kahirapan (PKMK).

1983, 1 Mayo. Limang kolum ng mga manggagawa ang nagmartsa patungong Liwasang Bonifacio, sigaw ang �Ipagtanggol ang uri! Ipaglaban ang Inang Bayan!�

1983. Itinatag ang Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC), institusyon para sa pagpapaunlad ng proletaryong kultura sa hanay ng anakpawis.

1983-1984. Halos isang milyon ang nawalan ng trabaho.

1984. Inilabas ang dalawang bolyum ng teyp ng Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino. Inilathala ang koleksyong pampanitikan ng Magsasaka: Ang Bayaning di Kilala.

1984. Inilunsad ang MAKIISA Cultural Festival I; itinanghal ang anti-Marcos na dulang Ilokula; itinanghal ang dulang Oratoryo ng Bayan.

1984. Itinanghal ang dulang Kara y Krus at iba pang Kwento.

1984. Itinatag ang Makabayang Alyansa sa Sining Anakpawis (MASA). Alyansa ng mga pangkulturang grupo sa hanay ng manggagawa at maralita.

1984, 1-7 Marso. Inilunsad ang Lakad ng Bayan Para sa Kalayaan (LAKBAYAN) sa ilalim ng Bayan.

1985. Inilunsad ang MAKIISA Cultural Festival II; itinanghal ang dulang Buwan at Baril sa Eb Major.

1985. Muling itinanghal ang dulang Welga! Welga!.

1986. Itinanghal ang dulang Mayo Uno ng ating Paglaya.

1986, Pebrero 22-25. Pinatalsik si Marcos ng People Power One.

1986. Dinukot at pinatay ng mga ahente ng militar si Rolando Olalia, pangulo ng KMU at ang kasama niyang si Leonor Alay-ay.

1986, 11 Mayo. Magkasamang nagdiwang ng Araw ng Paggawa ang ibat ibang grupo sa ilalim ng Labor Advisory Consultative Council (LACC).

1987. Inilathala ng ARMAS-NDF ang koleksyon ng mga kwento ni Kris Montanez na pinamagatang Kabanbanuagan, Mga Kwento ng Sonang Gerilya.

1987. Itinanghal ng Tambisan ang dulang �Sang Bagsak sa �Ting Pagkakaisa.

1987. Nangyari ang Masaker sa Mendiola.

1987, 13 Enero. Itinatag ang Artista at Manunulat ng Sambayanan, kasapi ng Pambansa-Demokratikong Prente

1988. Itinanghal ng Tambisan ang dulang Pasko ng Manggagawa.

1989. Ipinalabas ang pelikulang Orapronobis ni Lino Brocka.

1989. Inilathala ng ARMAS-NDF ang STR (Sa Tagumpay ng Rebolusyon), koleksyon ng mga tula.

1990. Inilathala ang Sebyo, nobela ng digmang bayan ni Carlos Humberto.

1991. Sinimulan ng PKP ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP).

1992. Itinanghal ang dulang Mag-unyon ay �di biro.

1993, 1 Mayo. Nabuo ang Koalisyon ng mga Progresibo at Makabayang Manggagawa (KPMM).

1993. Idinaos ang Internasyunal na Seminar Hinggil sa Kaisipang Mao Zedong sa okasyon ng kanyang sentenaryo sa Gelsenkirchen, Alemanya.

1995. Itinanghal ang dulang Kwatro Kantos.

1996. Paglabas ng ARMAS-National at Timog Katagalugan ang koleksyon ng mga awitin ng kilusang pagwawasto sa album na Dakilang Hamon.

1996, 5 Mayo. Inilunsad ang International Solidarity Affair ng KMU na may temang: Manggagawa, pamunuan at patindihin ang pakikibaka laban sa imperyalismo!

1996, 9 Hunyo. Lumahok ang KMU sa People�s Campaign Against Imperialist Globalization (PCAIG).

1996, Agosto. Naglunsad ng raling-iglap ang Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU) at MAKIBAKA sa sentenaryo ng rebolusyong Pilipino.

1996, 30 Nobyembre. Inilunsad ng KMU ang Workers� Revolutionary School.

1996, 11-15 Disyembre. Idinaos ng MIGRANTE International ang unang Kongreso na may temang �organisahin ang ating hanay ayon sa linya ng pakikibakang sambayanang Pilipino.�

1997, 8 Marso. Nagmartsa ang 8,000 kababaihang manggagawa. Ginunita nila ang Marso 8 bilang Araw ng Kababaihang Anakpawis.

1997, 20-24 Oktubre. Sinalubong ng KMU, Piston at Bayan ng malakihang koordinadong protestang aksyon ang pagtaas ng presyo ng langis. 1997, 11 Nob Binuo ng KMU at KPMM ang mas malawak na Wage Increase Solidarity (WINS) para sa pagsusulong ng kampanya sa dagdag na sahod.

1998. Inilathala ng University of the Philippines ang Bangon, Antolohiya ng mga Dulang Mapanghimagsik.

1998. Paglabas ng Martsa kan Bikolandia, kaset teyp ng mga rebolusyonaryong awitin mula Bikol.

1998, 1 Mayo. Iwinagayway ang sagisag ng NDF sa rali ng mga militanteng manggagawa kasama sina Luis Jalandoni at Connie Ledesma ng NDF peace panel.

1998, 1 Mayo. Ipinalabas ng Asia Visions ang video dokumentaryong Sa Liyab ng Libong Sulo sa Metropolitan Theatre sa pagdiriwang ng Mayo Uno.

1998, 15 Hunyo. Sinibak ng Philippine Air Lines (PAL) ang 3,600 na ground personnel at 1,400 cabin crew na nagtulak sa Philippine Air Lines Employees Association (PALEA) na magwelga.

1998, 6-7 Nobyembre. Itinatag ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

1998, 9-13, Nobyembre. Idinaos ang 7th KMU National Congress. Pinarangalan sina Ka Bert Olalia, Ka Severino Reyes at Ka Ceferino Lacara.

1998. Pinasimulan ang buwanang pahayagan ng KMU, Ang Manggagawa.

1998, 30 Nobyembre. Itinatag ang ANAKBAYAN, ang militanteng samahan ng mga kabataan

1999. Inilabas ng CPP ang pangalawang edisyon ng LRP isinalarawan.

1999, Enero 4. Idineklara ni Estrada ang full-scale war laban sa NPA at MILF.

1999. Inilabas ng Armas (National) ang isang teyp ng mga rebolusyonaryong awitin ng dekada �70, ang bolyum ng Alab ng Digmang Bayan.

1999, 8 Marso. Tinuligsa ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan ang rehimeng Estrada bilang �macho-pasista�.

1999. Inilabas ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC) ang isinalin sa Pilipino na Krisis at Rebolusyong Pilipino ni Jose Ma. Sison.

1999, 25 Agosto. Inilunsad ng KMU ang kampanya para sa P125 na across-the-board wage increase.

1999, 21 Setyembre. May 100,000 ang nagrali sa iba�t ibang panig ng bansa laban sa pasismo ng rehimeng Estrada.

1999, 15-20 Disyembre. Inilunsad ng KMU ang mas malawakang kampanya para patalsikin si Estrada.

2000, 20 Pebrero. Nagprotesta ang mga manggagawa sa Clark Economic Zone laban sa pagdating ng may 4,000 tropa ng US sa ilalim ng Visiting Forces Agreement na ipinatupad ni Estrada.

2000, 1 Mayo. Itinanghal ang dulang Piketlayn ng Bayan na naglarawan sa lumalawak na welga�t protestang manggagawa sa panahon ng rehimeng Estrada.

2000, 1 Mayo. Mahigit 20,000 myembro ng KMU sa Metro Manila at halos 100,000 sa buong bansa ang nagdiwang ng International Labor Day.

2000. Inilathala ng AVHRC ang koleksyon ng ilang mga piling tula ni Amado V. Hernandez.

2000. Inilathala ng AVHRC ang komiks na Jamin, hinggil sa buhay ng isang batang manggagawa.

2000, Disyembre. Ang makasaysayang di pagbukas ng envelop sa impeachment hearing ni Estrada

2001, 21 Enero. Libu-libong mamamayan nagmartsa patungong Malakanyang. Pinatalsik ng mamamayang Pilipino si pangulong Estrada.

2001, Hulyo. Inilabas ang album ng mga awitin ng Tambisan (Tambisan 2002).

2001, 11 Setyembre. Pinabagsak ang twin tower sa New York, USA.

2001,12 Setyembre. Inilunsad ang mas malawakang kampanya para sa P125 na pagtaas ng sahod ng manggagawa.

2001, Disyembre. Isinalin sa Pilipino ang Makibaka para sa Pambansang Kalayaan at Demokrasya ni Jose Ma. Sison.

2002, Enero. Inilabas ng National-Armas ang pangalawang bolyum ng mga awitin ng Alab ng Digmang Bayan.

2002, Enero. Inilunsad ang malawakang protesta laban sa pagpasok ng mga US troops sa bansa sa ngalan ng Balikatan exercises.

2002, 2 Pebrero. Inilathala ng Eiller ang Ikalawang edisyon ng Kahapon at Ngayon para sa ika-100 taon ng kilusang manggagawa.

2002, 8 Marso. Pinagdiwang ang Araw ng Kababaihan ng Gabriela at Kilusan ng Mangagawang Kababaihan.

2002, Mayo Uno. Araw ng Sentenaryo ng Pakikibaka ng Manggagawang Pilipino

###



Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.