Na ang basag na bungo
Ng mga tulisan
Ay dekorasyon lamang
Sa kanilang himpilan.
Ipinagmamalaki nila
Na ang kanilang kwintas
Ay gawa sa ngipin ng pulahan,
At ang utak ng rebelde
Ay kanila lamang pampulutan.
Ipinagmamalaki nila
Ang kanilang kakayahan
Sa pamamaso ng hita
Sa pangunguryente ng utong
Sa pandurukal ng mata
At pamumutol ng dila.
Itinuturing nilang premyo
Ang bawat kukong tinungkab,
Bawat tengang tinapyas
At bawat ulong tinulos sa dawag,
Habang ipinagmamalaki
Na sa lahat ng dako
Ay marami silang mata,
At sa lahat ng sulok
Ay marami silang tenga.
Ipinagmamalaki rin nila
Ang kanilang mga galamay.
Ipinagmamalaki nila
Ang kanilang pangil at sungay.
At dahil hungkag
Ang kanilang dibdib at noo
Ipinangangalandakan nila
Na hindi sila tao.
|