Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Pebrero 2000
Mga Tula at iba pa
TOC PSB (Paglingkuran ang sambayanan))


Paalam na ngayon, sa iyo, Dakilang kasama, dakilang kaibigan. Sana'y muli tayong magtagpo, sa kung saan mang dako Ng ating baseng gerilya, Sa mainit na ngiti ng mga aktibistang magsasaka, Sa tugatog ng ating mga pangarap. Sana'y muli tayong magtagpo Upang talakayin ang wastong landas na babagtasin at kung paano babaybayin ang pasikut-sikot ng digmang bayan o ang lawak ng ating mga alyansa. Hindi ka ihihiwalay sa amin ng iyong kamatayan, Dakilang kasama, dakilang kaibigan. Sapagkat ang kabundukan at ikaw ay iisa, Iniaangat tayo sa mas mataas na antas, at higit pa Sa diwa ng 'yong paninindigan. "Nais ko lamang na paglingkuran ang sambayanan, Wala nang iba," mapagkumbaba mong banggit sa amin. Binago nito ang aming buhay magpakailanman.   At ang masang pinaglingkuran mo Nang mahusay at tapat, Malilimutan ba nila ang bukal ng kanilang Dunong at lakas? Di ba ipagpapatuloy nila ang buhay mong naikintal sa kanila Sa bawat tibok ng puso sa kanilang pakikibaka? Di ba magiging apoy ang kanilang luha, At rebolusyonaryong alab ang kanilang luksa? Naghihimagsik ang aming baril laban sa kaaway Huhusgahan ngayon ng bayang galit ang mga pasista, haharapin ang bagsik ng mga batang rebolusyonaryong Sumisibol sa 'yong alaala. Babagtasin ng bawat isa ang landas na iyong tinahak Matiyaga, matapang, at buong puso. Pinagtitibay ng 'yong kamatayan ang buhay Na lagi't lagi naming paninindigan: Paglingkuran ang sambayanan hanggang sa kamatayan. Masdan, sanlibo, milyong masa Ang ngayo'y nag-aalsa, patunay sa wika mong Wala nang ibang paraan kundi ang rebolusyon.                                


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.