Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Pebrero 2000
Mga Tula at iba pa
TOC Mga Kwentong Kusina


Ang "Granada"

Kasalukuyang namamahinga sina Ka Joey at Ka Arnel habang nagmemeryenda ng nilagang kamote na inihanda ng masa, nang biglang: "Sumuko na kayo! Wala na kayong kawala!" sigaw ng tinyente ng Philippine Army na agad na pumusisyon sa harapan ng bahay ng masa.

Buo ang loob, agad na binato nina Ka Joey ang mga pasistang sundalo.

"Granadaa! Takbo! Magsitakbo kayo!!" ang nabiglang sigaw ng tinyente sa kanyang mga tauhan.

Ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma habang natatawang pinapanood ng masa ang mga natarantang militar.

Naudlot man ang pamamahinga ng mga kasama, hindi nasayang ang kanilang masarap na meryenda. Malaki ang pasasalamat nila sa kanilang granadang ...kamote.


NPAs are kind to animals

(Mabait ang Hukbo sa �hayop�)

Sina Ka Doming, Ka Tatang at Ka Bunso ay magkakasama sa iisang kubo. Araw-araw, reklamo nina Ka Doming at Ka Bunso ang daga na gabi-gabi ay dumadalaw sa kanilang kubo.

Pinagdidiskitahan ng daga ang kanilang pinakatatagong pagkain na pang-emergency. Tinapay, biskwit, kendi, kape, asin.Walang pinalalagpas ang daga. At minsan, ay hindi lamang pagkain ang tinira nito. Pinagtutulak, inihulog at ikinalat sa lupa ang mga gamit pang-upisina ng dalawang kasama. Notebook, libro, papel, bolpen, disket, lapis. At nginatngat pa ang kanilang mga pak!

Ang pinagkakatakahan ng dalawa ay kung bakit ang pak at suplay lamang nilang dalawa ang tinitira ng daga samantalang nasa iisang kubo lamang sila ni Ka Tatang.

�Ka Tatang, bakit ikaw hindi binubulabog ng daga?�, tanong ng dalawa.

�Ganito kasi yan,� ika ni Ka Tatang. �Kailangan be kind to animals kayo. Gabi-gabi hinahandaan ko yan ng konting tinapay sa isang sulok. Kaya hindi niya ako binubulabog. Kayo kasi, lagi nyong binabato at hinahampas ng kung anu-ano.�



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.