Kaakit-akit pagmasdan ang alapaap
Sa madaling araw, halos itong bundok
Ay di matanaw pati
Ang mga dahon ay babad
Ng hamog.
Kay gandang pagmasdan kung
Ikaw ay nakatitig sa alapaap sa
Madaling araw. Sa aking isipan
Ako'y nalulugod kung hindi
Raragasa ang buhawi ng hangin
Dahil ang ganda nito'y
Hindi sana mabubura
At magpapaiwan
Hanggang katapusan.
Di pa nabubura sa aking
Alaala ang aking
Natanaw sa mga prontera
At mga kapatagang kinaroroonan
Ng masang naghihirap
Sa aking dibdib nagtatapos ang kalungkutan.
Dahil tumutulo itong mga
Hamog sa puno
Ang agos, tulad nitong luhang tumutulo
Sa aking mata, ay inspirasyon sa
Paglingkod sa sambayanan.
Ngunit ang pagkakaisa
Ng mga kasama'y hindi
Napapantayan at kahit
Bumagyo'y hindi maililipad
Sapagkat puno ng pag-ibig
Prinsipyo/pagkakaisa.
|