Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Pelikula
TOC MEMORIES OF A FORGOTTEN WAR
ALAALA NG LIMOT NA DIGMAAN (2000)


Kung makakaharap ang ordinaryong mamamayang Amerikano, baka magulat pa ito kung banggitin mong nagkaroon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tila wala ni pahina o talata man lang sa mga aklat ng kasaysayan ng US tungkol sa panimulang pagsabak ng US sa imperyalismo. Walang kinikilalang pananagutan sa isa't kalahating milyong Pilipinong pinagpapatay sa halos dalawampung taong labanan. Samantala, ang kasinungalingang pabatid sa ating mga klasrum at teksbuk ay sinagip tayo't pinaunlad ng "mapagkawanggawang" Kano. At bigla'y na-ging utang sa mananakop ang kalayaang sila mismo ang umagaw sa atin.

Ang katahimikan sa US at ang mga alamat sa Pilipinas ang nais basagin ng Memories of a Forgotten War. Paglalahad ito ng mga tunay na kaganapan sa binurang bahagi ng ating kasaysayan, sa tulong ng mga litrato't pelikula mula sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Bukod dito'y may ilang pagsasa-dula ng mga kalupitan at kahayupan ng mga tropang Kano. Tampok ang pagsasadula ng masaker sa Bud Dajo noong 1906. Dito, walang awang nilipol ng mga sundalong Kano ang may 1,000 Tausug na nagkuta sa bunganga ng bulkan. Matapos ang tatlong araw na putukan, umabot sa 50 tama ng bala ang tinamo ng ilan sa mga bangkay.

Ang mahalagang katangian ng Memo-ries. ay inisyatiba ito ng isang babaeng inapo't supling ng dalawang Pilipinang parehong ina-nakan ng sundalong Amerikano. Wika niya sa kanyang salaysay, "I am the child of both the victim and the perpetrator in this conflicted history." ("Anak ako kapwa ng biktima at may-sala sa balintunang kasaysayang ito.") Ang lola niya'y iniwanan ng sundalong Kano, ang ina'y para umanong bagay na pag-aari kung tratuhin ng Amerikanong ama. Hindi na dapat ipagtaka kung bakit madali niyang napag-ugnay ang mapait nilang karanasan sa relasyon ng US sa Pilipinas.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.