Kay gandang pagmasdan itong palayan
Aliwalas ang hangin sa mukha't katawan
Kung iyong lalakarin iyong maririnig
Hagkis ng dahon, ito ay palatandaan
Ng aming pag-asa.
Mahusay kung ganun ang aming kabuhayan
Lumalago nang walang nakakasagabal
Ngunit may tanong na sa amin ay sumusupil
Pinigil, kinontrol ang pag-unlad namin.
Naghirap nang tunay ang aming katayuan
Kahit saan mapadpad lipos ng pasakit
Ang aming kapagalan ay di pinahalagahan
Dahil naaangkin sa ngalan ng panginoon.
Ano kaya ang dapat nating gawin?
Lagi't lagi na lang ang pagkaalipin.
Rebolusyong agraryo ay ating isulong
Upang mawasak ang muog ng panginoon!
|