Sa aming bayan,
may mga mandirigmang hindi pumipila �
buwan-buwan�
upang kubrahin ang kanilang parte
sa dinambong na yaman ng kanilang amo.
Sa aming bayan,
may mga mandirigmang ginagawang
pangunahin ang politika sa kanilang mga pagkilos.
Hindi sila kumukuha kahit hibla ng aming sinulid.
Isinesentro nila ang lahat
ng kanilang nasasamsam mula sa kalabisan ng iilan.
Ngunit hindi sila mga sundalo o militar.
Sa aming bayan,
may mga mandirigmang hindi nag-aalimura sa aming harapan.
Isinasauli nila ang kanilang hiniram na gasera.
Binabayaran nila ang kanilang binili ng karampatang halaga.
Hindi nila tinatapakan ang tanim naming mais.
Yumuyukod sila, nag-tatao-po nang mababa ang boses.
Binabayaran nila ang lahat ng kanilang nasira.
Ginagamot, pinapakain, at inaalagaan nila ang kanilang bihag.
Hindi nila pinagsasamantalahan ang kababaihan.
Ngunit hindi sila mga militar o sundalo.
Sa aming bayan,
may mga mandirigmang tinutulungan kaming
magtanim ng palay sa lupa,
sa lupang
Ibigay nila sa amin ang karapatang magbungkal,
tinuturuan nila kaming isulat ang aming pangalan.
Inaalalayan nila ang hakbang ng aming tinig
Habang binabaybay ng aming unawa
Ang salitang �ka-la-ya-an� at �de-mo-kras-ya.�
Sinasabayan nila kami
sa himig ng aming mga tula at awit.
Ngunit hindi sila mga sundalo o militar.
Kilala namin ang mga mandirigmang ito,
kung paanong sa araw-araw,
kinukupkop ng aming mga dampa at kubo
ang kanilang nag-aalab na anino.
Sapagkat sila ang namumukod-tangi sa lahat
ng aming mga mahal sa buhay at mga anak.
Kilala namin sila.
Sa tapat ng kanilang kaliwang dibdib,
sa bulsa ng kanilang mga puso,
nakataliba ang kanilang apelyido.
Ngunit hindi sila mga militar at sundalo.
Sila ang aming Hukbo.
|