Ninanais nilang bawian tayo ng ating paningin
Pamuwing nila�y pangakong alimpuyo sa buhangin
Ngunit pula�y kay pulas upang mata�y �di makapansin
Tulusin pa�t pamugtuin ng hilakbot at panimdim
Kaya�t sa karimlan nilang pusikit na kay linaw din
Tumitig sa ginintuang silahis ng panginorin
Ninanais nilang bawian tayo ng ating pandinig
Nang �di alipungatin ng mapanlibak nilang tinig
Ngunit yayat na bituka�y silbatong lagi nang ligalig
Sa kamposantong-bayang itong �di pa rin matahimik
Kaya�t sanlaksa�y tuloy ang martsa sa lupa, sa tubig
Sa haginit ng kanyon, sa kulog ng palabang himig
Ninanais nilang bawian tayo ng ating panlasa
Sinanay sa ayuno�t tubig sa kalawanging tasa
Sa laway na inasnan ng luha�t pawis ng parusa
Ngunit tayo�y umay na sa pait ng pangaalipusta
Kaya�t hayaang pakla sa gunita�y mag-alimura
Paanghangin ang diwang pinatatamis ng pag-asa
Ninanais nilang bawian tayo ng ating pang-amoy
Upang ating matiis sangsang ng pusaling nilalangoy
At ng kinalakhang basurahang bundok at kumunoy
Habang sa ugat nila�y pabango na ang dumadaloy
Kaya�t doon sa pinitak, amiha�y pulburang simoy
Sariwang halimuyak ng bulaklak na nag-aapoy
A, damhin ang pulikat, damhin ang pagbawi nila sa ating pandama
Bawat apuhap sa ngimay na kalamna�t ulirat ay sinasagka
Nilang nanganduduling sa bertigo ng kapangyarihang sinasamba
Nilang hindi mabula-bulahaw sa pangangahol ng budhi�t pangamba
Nilang namumuwalang-buwaya sa pinutaheng ginto�t tinggang tinga
Nilang singhut-singhot buong-buo nating balintataw at kaluluwa
A, damhin, ang ngayo�y ipadadama natin sa kanilang mga bungo
Bawat andap ng mga matang didiklap sa sangmilyong puso at sulo
Bawat kambal na tainga�y bagwis sa kaulapa�t katig ng bangkang pulo
Bawat dila�y bandilang tinina sa apog at sa dugong kumukulo
Bawat ilong ng komunistang bulka�y apaw na ilog ng silakbo
Damhin, pagbawi ng tao sa kanyang pagkatao�y di na nalalayo.
|