Tulad ng mga silahis ng araw sa umaga
sila�y bumungad mula sa mga burol
marahang naglatag ng ngiti at liwanag
na tumagos sa mga kaingin at maisan
at nakituloy sa mga bukas na pinto.
Tulad ng maaliwalas na bukang-liwayway
malugod na sinalubong ng mga masang
hinaplit ng maligalig na magdamag
ang kanilang Pulang Hukbo.
Nagdiwang ang mga api.
Nagdiwang ang mga api
dahil sa wakas, bumalik na ang dulugan
ng kanilang mga hinaing at pangarap
pista sa kanila ang balitang ipinupunla na
ng Pulang Hukbo ang kanilang kapangyarihan
sa lahat ng baryong saklaw
ah, hindi na lang sa makikitid na ublagan
naaaninag ang pag-asa
ang rebolusyong agraryo�y di lang sa hinaharap
kundi ngayon na.
�Ngayon na!� ang hiling ng mga api
�Kaytagal na ang panahong kami�y dinusta
kaytagal nang naghintay sa Partido�t Hukbo
na pinaglaan ng tanging tiwala�t pag-asa
sunggaban ang oras, sunggaban ang araw.�
Kayraming dapat isahapag:
paano ibaba ang upa sa lupa at itaas ang sahod
paano itatayo ang mga komiteng pang-organisa
paano parurusahan ang mga traydor
paano iluluwal ang makapangyarihang lakas ng masa.
A, ang makapangyarihang lakas ng masa�y
mailuluwal lamang ng Pulang Hukbong
nag-aalis ng mga bagahe at matatag
na umaabaante mula sa mga burol
tulad ng mga silahis ng araw sa umaga.
|