Nang ako'y sanggol pa lang
Hiwalay na sa aking magulang
Walang nalalaman
Dahil sa aking kamusmusan.
Nang ako'y nagkaisip
Palagi kong iniisip buhay ko'y napakasikip
Minsan naghahangad buhay na maligaya
Ngunit pa'no malayo sila.
Dahil ako'y lumaking
Hiwalay sa kanilang piling
Madalas sarili'y itinatanong
"Ano ang dahilan, bakit nagkaganoon?"
At nang ako'y kanilang kinuha
Ang damdamin ko'y lumuwag at ako'y sumaya
Lagi kong pasasalamat
May pangarap ding natutupad.
Ngayon ako nga'y nasa piling nila
Ngunit isip ko'y malabo pa
Ako'y unti-unting ginising
Ako pala'y natutulog na di mahimbing.
Kaya kaming musmos ay nananawagan
Sa lahat nating mga magulang
Dapat kami ay magabayan
Sa buhay na aming patutunguhan.
Para sa aming paglaki
Umunlad ang aming
Kaisipan, paningin at
Paninindigan
Sa paglahok sa ating
Matagalang digmang bayan.
*Isinulat ni Kasamang Mercedes ang tulang ito noong s�ya�y siyam na taong gulang pa lamang.
|