Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
Ngayon hanggang bukang-liwayway
TOC - namatay 1983
Obrero ng Pakikibakang Armado
Alex Boncayao


Si Alex Boncayao ay tubong Agos, Bato, Camarines Sur. Mula sa uring magsasaka, namulat siya sa karukhaan ng atrasado�t pyudal na pamumuhay sa kanayunan. Nilisan niya ang pinagmulang bayan sa pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa Maynila. Pagtuntong ng syudad, humagilap ng iba�t ibang trabaho. Siya ay naging tricycle driver, dyanitor at nang huli ay naging assistant chemist ng Solid Mills.

Ikalawang hati ng dekada 1970, panahon ng batas militar, siya ay naging tagapangulo ng militanteng unyon ng Solid Mills. Pinangunahan niya ang mga sama-samang pagkilos at welga ng mga manggagawa ng Solid Mills noong 1976-1977. Noong 1975-76, isa si Alex sa mga responsableng pinuno ng unang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na namuno sa militanteng kilusang mang-gagawa upang hamunin at tutulan ang pananalasa ng rehimeng US-Marcos.

Kasama sina dating senador Benigno Aquino Jr., Tumakbo siyang kandidato sa ilalim ng unang Lakas ng Bayan (LABAN) noong 1978 sa Interim Batasang Pambansa (IBP). Ngunit dahil sa lantaran at malawakang dayaan sa halalan at paghuhuli ng diktadura sa mga kandidato ng LABAN, nagpasyang mag-andergrawnd si Alex. Iniwan niya ang kalunsuran upang muling tumungo sa kanayunan. Ngunit sa pagkakataong ito, ay para lumahok sa armadong pakikibaka. Sa Nueva Ecija, sumapi si Alex sa Bagong Hukbong Bayan at nag-organisa ng mga magsasaka.

Ika-19 ng Hunyo 1983, sa piling ng masang magsasaka, pinatay si Alex Boncayao ng mga pasista. Pumanaw man siya, hindi kailanman maglalaho ang alaala sa kanya at sa kanyang mga makabuluhang ambag sa kilusang paggawa at sa buong rebolusyonaryong kilusan. Alex Boncayao, isang tunay na anak ng bayan. Isang tunay na rebolusyonaryong martir.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.