Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Setyembre 2001
TOC Mga Kwentong Kusina


Pagkagat ng dilim

TOK! TOK! Tok! Ilang minuto nang kumakatok ang mga kasama sa bahay ng masa. Tumatahol na ang mga aso. Madilim na ang gabi, at tahimik na tahimik.

"Naku, wala yatang tao. May masama kayang nangyari?" pangamba ng isang kasama.

Paalis na sana ang mga kasama nang biglang bumukas ang pinto. "Sus, patawarin ninyo kami," nakatawang bati ng mag-ina sa bahay.

"Bakit ho ang tagal ninyo?" nagtatakang tanong ng kasama.

"E, kasi, ayaw naming palampasin ang paborito naming drama. Nakadikit ang mga tenga namin sa radyo. Mahina na rin kasi ang baterya. "


Kakanta ka ba?

"Bay, may bagong dating, NPA daw," anang isang preso sa kasamahan niya sabay turo sa kasama.

"Talaga?" wika ng mga preso na wari'y may paghanga dito.

"Hu, NPA, di ako naniniwala," tugon naman ng lider nila. Tumayo ito at lumapit sa kasama.

"Bay, NPA ka raw?" tanong ng lider ng mga preso.

"Oo," mahinang tugon ng kasama.

"Sige nga kung talagang NPA ka, kantahan mo nga kami ng kanta ng NPA," wika ng lider ng mga preso.

Di mapakali ang kasama. Wala siyang kabisadong kantang rebolusyonaryo. Masama pa, may pagkasintunado rin ito.

"A,e, wala akong alam na kanta," garalgal na sagot ng kasama.

"Sabi ko na nga ba, niloloko mo lang kami, hindi ka NPA!" wika ng lider na galit na galit.

"Pwede bang isipol ko na lang?"

Pinagbigyan ng mga preso ang kasama. At isinipol nga niya ang pinakasintunadong bersyon ng awiting "Internasyunal".

Mula noon, ipinangako ng kasama sa sarili na kabisaduhin ang mga kantang rebolusyonaryo para di na siya dudahan na totoong NPA at mabugbog sarado.


Basbas ng masahista

Habang may kasamang nagpapahilot sa isang matanda, humiling na gustong sumunod ang dalawa pang kasama. Nananabik na talaga ang dalawa na mahilot habang nanonood sa kasamang nauna.

Nang matapos ang paghihilot sa isa, biglang dinuraan ng manghihilot ang bumbunan nito. Pamahiin, 'ika ng manghihilot. Hindi na makaatras ang dalawa pang magpapahilot sana. Napapikit na lamang sila nang dinuraan din sila sa kanilang bumbunan.

Ano'ng magagawa nila, bilin ng masahista'y masamang maligo ang bagong hilot?


Sino siya?

May kumprontasyon ang masang magsasaka sa panginoong maylupa, at namamagitan ang mga kasama. Ito'y alitan sa hatian sa ani ng taniman ng prutas na mangosteen. Nagkakainitan na ng palitan ng mga salita.

"Amin 'tong mangosteen!"

"Akin 'tong mangosteen!"

"Hindi, amin 'tong mangosteen!"

"Teka!"

Napatigil ang lahat at tumingin sa kasamang kararating lamang.

"Naiintindihan ko na may problema," wika ng kasama. "Pero, teka muna, sino ba talaga si Mang Gusting?"



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.