Nanunundo na
ang huling segundo ng 1999.
Kanina ko pa ito hinihintay --
habang kumakampay ang mga kabog1
bilog ang lilim ng buwang nakabantay
at nananangay ang agos ng ilog
Ito ang iyong ikalawang bagong taon
at, Mahal, tayo'y di magkaakbay;
sabihin pang kayakap natin ngayon
ang unang sandali ng milenyo ng tagumpay.
Subalit nawa'y
matanggap mo
munting regalo ng iyong Nanay at Tatay
na sa ilog ay ipinatangay
diploma sa BKM2 na pagsasanay
ng hukbong bayang
tuluy-tuloy na nakikipag-away.
Ilang taon na lang mahal
sama-sama na tayong
lalaban sa kaaway
At dito sa puso ng masang
paglaban ang iwinawagayway
Buo tayo na sasalubong
sa tagumpay.
1kabog- paniki
2BKM- Batayang Kursong Militar
|