![](../../kul/images/ulos/200306/17.gif) |
Ang The Price of Empire ay isang satirikong pagtalakay sa imperyalistang pananakop ng US sa Pilipinas. Kasaysayan ito ng panlilinlang ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Umano'y tutulungan nilang lumaya ang Pilipinas mula sa Espa¤a, ngunit aangkinin din palang pag-aari ang bansa. Sa mga magasin at pahayagan sa US, inilarawan ang mga Pilipino bilang asal-hayop at mangmang. Saka ibinida ng gubyernong US na gagawin nitong "sibilisado" ang mga Pilipino. Pagputok ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang patalastas ng gubyernong US sa kanilang mga mamamayan ay sumisimpatya sa kanila ang nakara-raming Pilipino. Kesyo maliit na grupo lamang daw ng mga "tulisan" ang lumalaban sa mga Kano. Sa katunayan, daan-daang libong Pilipino, rebolusyonaryo man o sibilyan, ang tinortyur at pinaslang ng mga tropang Kano, sa kabila ng matinding protesta mula mismo sa kanilang mga kababayan. Tuluyan nang sinakop ng US ang Pilipinas. Sa huli, nang madaig sa merkado ng murang import na produktong mula Pilipinas ang mga ani ng US, saka na lamang kusang pinawalan ng US ang direktang kolonyal na paghawak sa bansa.
Ang pamagat na "This Bloody Blundering Business." ay mula sa pahayag ng isang Amerikanong pastor, na tulad ng maraming mamamayang Amerikano ay naniniwalang isang napakalaking pagkakamali ang agresyon at pangangamkam ng US sa Pilipinas.
|