Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
Ngayon hanggang bukang-liwayway
TOC Pagpupugay sa mga Bagong Martir ng Kilusang Manggagawa


Nagsisilang ng maraming bayani ang bayang lumaki sa hirap at matagal na pinagsamantalahan ng imperyalismong Estados Unidos at ng kanilang mga kakutsaba. Patunay dito ang kasaysayan ng Kilusang Paggawa at Kilusang Anakpawis.

Sa huling dekada ng 1900, nagsimula na ang ilang mga lider manggagawa sa pagpapatalas ng kaisipan at pagpupursige sa kanilang mga pagkilos para sa kanilang kapakanan at kalayaan mula sa iba't ibang uri ng pang-aapi at pagsasamantala. Kabilang dito sina Isabelo delos Reyes na pangulo ng unang naitatag na unyon sa bansa; si Crisanto Evangelista na unang pangulo ng Partido Komunista ng Pilipinas at kinikilalang ama ng militanteng unyonismo; sina Carlos Bulosan at Ka Amado V. Hernandez na hindi lamang nagsulat tungkol sa buhay at pakikipaglaban ng mga manggagawa kundi nakisalamuha at nanguna din sa gawaing unyonismo. Walang dudang sila ang tagapagmana ng makatarungang layunin at gawain ni Gat Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan.

Gayundin naman, ang ating makabagong panahon ay nagsilang at patuloy na nagsisilang ng mga bagong martir. Sa kasaysayan ng burges at ng mga reaksyunaryo, sila ang mga martir na hindi dapat bigyan ng bantayog kapwa sa paglalaan ng monumento o pahina sa kasaysayan, dahil sila ang patuloy na tumutuligsa sa isang mapang-api, mapanloko at mapagsamantalang kaayusan sa ating lipunan.

Pero kung tutuusin, sila ang tagapagmana ng diwa ng lumang pambansa-demokratikong kilusan na kinakatawan ng Katipunan at ng mga martir sa unang mga dekada ng ika-20 siglo. Sila ang nagpatuloy sa hamon ng panahon na wakasan ang pagsasamantala at pang-aapi sa mga manggagawa, magsasaka at sambayanang Pilipino.

Sa isyung ito ng Ulos, bibigyan natin ng pagkilala at mataas na pagpapahalaga ang mga bagong martir na ito. Ang mga ito ay sina Ka Bert Olalia, Ka Lando Olalia, si Ka Tatang o Ceferino Lacara, Edgar Jopson, Liza Balando at Alex Boncayao.

Ang pahina sa Ulos na kinalalagyan ng kanilang buhay, pakikibaka at inspirasyon ay magsisilbing pangmatagalang muog ng pagpapahalaga sa kanila.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.