Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Setyembre 2000
Tula
TOC Kuratsa


Kami ng aking kauban1 at karelas2 Matapos ang agahang gabi at asin Dun sa poste'y nag-unahan sa pagkalas Ng aming terno't bagong isyung M-16.   A, talagang di s'ya nakapagkonsentra Palibhasa'y kulit ang aking taktika Sa asaran matinik din ang gerilya Sino'ng panalo? Ako, wala nang iba.   Matapos ang paligsahan siya ay aking inakbayan: "Tiyak akong panalo tayo sa reyd bukas, kauban; Sa tingin ko'y hindi pa naman tayo pararangalan."   Kami ng aking kauban at kadobol Matapos ang tanghaliang medyo bitin Dun sa poste'y nag-unahang mag-asembol Ng aming terno't bagong isyung M-16.   Anu't ako naman ang nadisoryenta Palibhasa'y tumitig na lamang sa kanya Sa ngiti, ako'y kanyang namaniobra Sino'ng panalo? Siya, sino pa ba?   Matapos ang paligsahan ako'y kanyang sinandalan: "Malapit na nga rin pala ang anib ng H, kauban; Di ba't ang sabi mo, doon mo ako pakakasalan?"   kauban - kasama karelas - karelasyon


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.