Mula sa sinapupunan ng bayang nagpupumiglas,
Nagpupumilit makawala sa hawlang kinasasadlakan;
Sumibol ang pintig ng panibagong-buhay;
Punlang ipinaglihi sa rebolusyonaryong pagpupunyagi;
Sanggol na iniluwal sa banig ng kontradiksyon;
Antagonismo ang nagsilbing komadrona;
Bente-sais ng Disyembre, pumailanlang ang iyong tinig
Hudyat ng paghihiwalay ng dalawang kulay
Ang kulay ng pulang dugo na bumabalot sa �yo
Simbolo ng kagitingan at katapangang siyang magiging tugon
Sa panangis ng bayang nalugmok sa hirap,
Sa kumunoy ng karalitaan.
Araw ng iyong pagsilang ay isang hudyat
Ng pagpasok ng rebolusyon sa panibagong yugto ng buhay
Ipinaghele ka sa duyan ng digma
Mga putok ng baril ang nagsilbing uyayi
Lumaki kang taglay ang kapasyahang
Adhika�y ipagtagumpay
Sa iyong pagsilang, labis na nagalak ang iyong ina
Ang amang malaon nang naghihintay
Mga kapatid na patuloy sa pakikibaka
Anaki�y nagkaroon ng tala sa kanilang daan
Magsisilbing tanglaw upang hindi muling maligaw
Ang sinimulang pakikibaka
Ng iyong mga ninuno.
Sa iyong paglalakbay dumaan sa iba�t ibang balakid
Mga pagsubok na pilit mong nilagpasan
Matatarik, at makikitid na daan
Nariyang madapa ka, nariyang mahulog
Sa bawa�t pagkadapa�y pilit nilalapa ng halimaw na kaaway,
Mga buwitreng nagnanais na patuloy kang ibulid
Sa walang hanggang pagkaalipin
Datapuwat naririyan ang tatlong tala na sa iyo�y pumapatnubay
Itinuturo sa�yo ang tamang daan
Tinuturuan kang lumakad, lumangoy sa dagat
At dahil sa iyong pagtalima sa kanilang dakilang salita
Nanatili kang nakatindig sa harap ng mga hambalos
Patuloy kang nagpunyagi upang manatiling bag-as
At bantayog ng rebolusyon.
Sa iyong kanang kamay tangan mo ang sibat
Sandatang ginagamit mo upang gapiin ang halimaw
Sa kaliwang kamay mo naroroon ang kalasag
Sandata at pananggalang sa pakikibaka;
Humayo kang taglay ang tibay at ibayong pananalig
Na sa iyong paglalakbay kasama mo ang mamamayan.
Ngunit sadyang ang kaaway ay hindi basta matutulog
Hindi basta papayag na magapi sa pagtutuos
Mula sa loob ay pilit kang winasak
Nais agawin, iyong sibat at kalasag
Pilit binubulag, iyong mga mata
At mas masahol pa
Nais ka nilang pugutan ng ulo!
Nakaririmarim na mga balakin!
Mga taksil sa bayan!
Nais tayong iligaw ng landasin
Isadlak sa karimlang walang hanggan!
Salamat at naging matalino ka
Nakita mo ang �sakit� na dumapo sa katawan
Kalawang na nais sumira sa bakal ng kapasyahan
Dahil sa IDKP nalamapasan mo ang kritikal na yugto ng iyong buhay.
Mula roon ay patuloy kang naglayag sa laot
Higit na matatag, higit na matibay
Kapasyahang isulong ang rebolusyon
Handang harapin ang bagong hamon
Lagi na�y katuwang mo ang masa
Sa pagsulong sa ulan tuwing may unos
Sila ang walang kupas na tala ng iyong buhay,
Ang kabuuan ng iyong buhay.
Sa araw na ito muling gugunitain
Ang dakilang araw ng iyong pagsilang
Muling babaybayin ang landas na iyong tinahak
Iwawagayway ang pulang bandilang taglay ang maso at karet
Sagisag ng iyong katapatan at kagitingan;
Ipagdiriwang ang iyong mga tagumpay.
Sisigaw ang buong hanay:
Mabuhay ang PKP! Mapulang pagpugay sa iyong pagsilang!!!
|