Sa ayaw mo man at sa gusto
Ikaw ay pupunta sa pamilihan
Magbebenta ka ng lakas at talino
Sa isang mayamang namumuhunan
Na naghahanap ng mga katulad mo
Na sa kanya�y handang manilbihan
Pagkat ni anuma�y wala kang pag-aari
Kundi kakayahang lumikha�t magsilbi.
Sa ayaw mo man at sa gusto
Katumbas ng nais nilang presyo
Ikaw ay lalagda sa kontrata
At sa loob ng walong oras o higit pa
Kasama ng iyong lakas-paggawa
Ika�y buong-buo na pag-aari nila
Pagkat ni anuma�y wala kang pag-aari
Kundi kakayahang lumikha para sa may-ari.
Sa ayaw mo man at sa gusto
Anuman ang iutos, kailangang sumunod
Gaano man ang hirap at bigat nito
Sobrang liit man ng sinasahod
Kumpara sa yamang nagagawa mo
Walang karapatang magreklamo
Pagkat ni anuma�y wala kang pag-aari
Kundi kakayahang lumikha ng marami.
Sa ayaw mo man at sa gusto
Di man makaya�t tuluyang sumuko
Sukdulang umalis sa iyong trabaho
At muling magsikap maghanap ng bago
Tanging masusumpungan mo�y
Kamukha rin ng walang-awa�t suwapang mong amo
Pagkat ni anuma�y wala kang pag-aari
Kundi kakayahang lumikha para sa kanilang uri.
Sa ayaw mo man at sa gusto
Ganito rin ang mangyayari
Sa magiging anak mo at apo
At sa susunod pang mga salinlahi
Tulad ng dinanas ng mahal mong magulang
Sa pagkaalipin iyong pinalitan
Pagkat ni anuma�y wala kang pag-aari
Kundi kakayahang lumikha�t magparami.
Sa ayaw mo at sa gusto
Ang lipunang ito�y hindi para sa �yo
Ngunit ikaw na bumubuhay dito
Ay di habambuhay na magiging api.
Kapag ang pasya mo�y makapangyari
Ang hukbo ninyo�y walang pagkagapi
Pagkat ni anuma�y wala kayong pag-aari
Kundi kakayahang lumikha�t makipagtunggali.
Kaya sa ayaw at sa gusto nilang naghahari
Kapag ang uri mo�y naghangad lumaya
Walang imposible, lahat magagawa
Pamumunuan n�yo ang lahat ng dukha
At sa taglay ninyong lakas at talino
Mundo�y babaguhin pati na ang tao
Walang pag-aari, wala kahit ano
Kundi kakayahang lumikha ng bago.
|