Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
Ang Kahapon (Dula)
TOC Ang Bagong Kristo(1907)


Magtatalumpati si Hesus hinggil sa kasamaan ng pagsusugal, mga karapatan ng tao, mga tungkulin ng mamamayan, ang panganib ng panatisismo, ang pangangailangan ng awa at simpatya at ng makatarungang sweldo para sa mga manggagawa.

Katotohanan,katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sasapit ang araw na ang lahat ng bagay sa balat ng lupa ay masisiayos sa kahinusayan sukat; ang kapatid ay kikilala sa kapatid; ang mga pag-aari ay kakalat sa madla, at ang kakamtan ng isa�t isa ang biyayang sukat sa kani-kanilang pinagpawisan.

Dahil dito ay magagalit ang mga nagmamay-ari ng lupang sina Magdangal at Berto at ang abusadong si Frayle. Palalayasin nila si Kristo.

O, ako�y dinudusta ninyo. Dinudusta ninyo ang tangulan ng mahirap. Sa makatwid ay dinudusta ninyo ang lahat ng mahirap.

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang biyayang ukol sa mahirap na sinasarili ng mga masakim, ay magiging mabisang lason sa kanila dito sa lupa, at magiging maitim na tatak ng sa kanila�y mabagsik na hatol sa kabilang buhay.

Dahil dito, si Bagong Kristo ay hahamakin, pagsasampalin at dudukutin ni Limbas sa utos ni Magdangal. Siya ay totortyurin at pagbubuhatin ng krus.

Pero marami pa ring maaakit na disipulo si Hesus sa hanay ng mga manggagawa at iba pang uring api at ilan sa mga naliliwanagang uri.


Mga kapatid na obrero! Ang araw na ito, unang araw ng Mayo, ay araw na pinipintakasi ng lahat ng obrero sa sanglibutan. Sa mga sandaling ito ay hindi tayo lamang ang nagsasaya. Akalain ninyong nagsasaya ngayon ang lahat ng mahirap sa balat ng lupa. At ano ang ipinagsasaya? Walang iba kungdi ang pagkakaisang �loob, at pagkakaisang-layon ng lahat ng obrero sa sangsinukuban...

(Magbibigay ng babala si Jesus na may mga taksil sa paligid...)

Datapuat kaiingat din tayo, huag tayong magmadaling lubha at kailangang tingnang mabuti ang linalakaran. Tayo�y maraming kaaway na lihim...Huag nating ipahintulot kailan pa man na ang ating mga karapatan at katungkulan ay mapawakawak sa kamay ng mga maginoo.

Maya-maya ay biglang sasaksakin sa likod si Hesus ng dalawang lalaking may hawak na sundang.

Sa isang pagdiriwang ng Mayo Uno, darating ang maraming obrero dala ang mga plakard na nagsasabing, Mabuhay ang mga obrero! Mabuhay ang mga manunulat!



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.