Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Sanaysay
TOC Imperyalistang Pangkultura sa Pilipinas


Lektyur sa isang klase sa pananaliksik sa ilalim ng American Studies Program ng Unibersidad ng Utrecht, Nobyembre 23, 1994.

Sa punto de bista ng Europa, nasa Dulong Silangan ang Pilipinas. Grupo ito ng 11 pangunahing pulo at mahigit 7,000 maliliit na pulo. Ang mga pulong ito ay bumubuo ng mahigit 300,000 kilometro kwadrado ng lupa sa Pasipiko.

Nakasalansan ang kapuluan nang hilaga-patimog, kahilera ng baybay-dagat ng timog Tsina at Byetnam na daan-daang kilometro ang layo pakanluran. Nasa hilaga ang Taiwan at Japan at nasa timog naman ang Silangang Malaysia at Indonesia. Nasa silangan ng Pilipinas ang malawak na Karagatang Pasipiko at ilang libong kilometro pasilangan din ay naroon ang United States of America.

Mula noong Digmaang Espa�ol-Amerikano sa pagtatapos ng ika-19 na siglo, pinuntirya na ng United States ang Pilipinas bilang malaking isda na mainam bingwitin at gawing kolonya dahil sa sagana nitong likas na yaman at sa estratehikong pusisyon nito sa imperyalistang pakana ng US na gawing lawang Amerikano ang Pasipiko para sa malalaking empresa nito at para makakuha ng parte sa dambuhalang pamilihang Tsino.

May populasyong 67 milyon ang Pilipinas sa kasalukuyan. Ang kabuuang produkto ng bansa (gross national product) ay nasa US$50 bilyon. Kung ku-kwentahin ang average nito, makakakuha ka ng average na taunang kita per capita na mga US$700. Nakakalungkot na nga ang halagang ito, pero di hamak na mas masahol pa ang realidad. Malaking bahagi ng kita, sa katunayan, ay napupunta sa mga dayuhang korporasyong transnasyunal at bangko at sa mga lokal na uring mapagsamantala. Nasa ilalim ng takdang bungad ng karalitaan (poverty line) ang mga 80 porsyento ng mamamayan, karamiha�y manggagawa�t magsasaka, kabilang ang mga tagalunsod at tagabaryo na kung anu-ano ang tinatrabaho.

Maituturing na Malay ang mga 85 porsyento ng mamamayan. Kabilang sa iba pa ang mga Negrito, mga tribong tagabundok na nagmula sa lahing Austrones at mga inapo ng may lahing Tsino at lahing puti (Caucasian), kabilang ang mga mestisong Espa�ol, Amerikano at Hindu. Mula 500 BC (Before Christ o bago ipanganak si Kristo), naninirahan na ang mga Malay sa may baybay-dagat at malalaking pampang. Mahigit 87 wika at dyalektong Malay ang kanilang sinasalita. Pero ang higit na nakararami ay nagsasalita sa walong pangunahing wikang Malay: Tagalog (29.7%), Cebuano (24.2%), Ilokano (10.3%), Ilonggo (9.2%), Bikol (5.6%), Kapampangan (2.8%), Pangasinan (1.8%) at Waray (0.4%).

Ang mga Malay ang pinakanalantad sa kontrol at impluwensya ng kolonyalismong Espa�ol at Katolisismo mula noong huling bahagi ng ika-16 na siglo hanggang katapusan ng ika-19 na siglo. Sila rin ang pinakanalantad sa kontrol at impluwensya ng imperyalismong US mula noong umpisa ng siglong ito. Pero napanatili nila ang kanilang pagkakaiba-iba sa lipi at wika.

Mga 4.3 porsyento ng populasyon ng Pilipinas ang kabilang sa 12 etno-linggwistikong komunidad ng mga mamamayang Moro sa timog-kanlurang Mindanao, at sa Islam nakasentro ang kanilang kultura mula pa noong ika-13 siglo. Mga 5 porsyento ang kabilang sa mga tribong tagabundok na ang pinagmulan ay matutunton sa paglikas ng mga Austrones papunta sa kapuluang ito noong Panahong Neolitiko. Maliit na bahagdan lamang ng isang porsyento ang kabilang sa mga angkang Negrito na ang pinagmulan ay matutunton naman 25,000 taon na ang nakararaan, ayon sa ebidensyang arkeolohikal.

Tagalog-Maynila ang pambansang lingua franca. Dumarami ang naka-kaintindi ng wikang ito at nagiging popular ang paggamit, pangunahin sa pamamagitan ng mga istasyon ng radyo sa buong bansa, pelikulang Tagalog, komiks, sistema ng paaralang pampubliko at mabilis na paglikas-likas ng mga tao sa iba�t ibang pulo. Pero nariyan ang panrehiyong lingua franca sa iba�t ibang bahagi ng bansa.

Napapanatili ng mga mamamayan ang mga wikang rehiyon at wikang lokal, sa kabila ng paglaganap ng Tagalog-Maynila, ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan, bilang upisyal na wika sa burukrasya at bilang wika ng mga nangunguna sa masmidyang elektroniko at naka-imprenta, at ng paggamit ng Taglish (halong Tagalog at Ingles) pangunahin ng mga nakapag-aral o nag-aaral sa mga unibersidad sa Maynila.

Walumpu�t limang porsyento ng mga Pilipino ang binyagan o rehistradong Katoliko; 4.3% ang Muslim; 3.9% ang Aglipay o kabilang sa Philippine Independent Church (isang makabayang pagkalas mula sa Simbahang Katoliko Romano pagkaraan ng lumang demokratikong rebolusyon sa Pilipinas); 3.6% ang kabilang sa mga simbahang Protestante na nagmula sa US at 1.3% ang kabilang sa Iglesia ni Kristo, isa pang sektang Protestante na sa Pilipinas nagmula.

I. Maikling Praymer sa Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay mahahati sa limang panahon: ang panahon bago ang pananakop ng mga kolonyalista na tumagal hanggang sa huling bahagi ng ika-16 na siglo; ang panahon ng kolonyal at pyudal na paghahari ng Espa�a mula noong huling bahagi ng ika-16 na siglo hanggang katapusan ng ika-19 na siglo; ang maikli pero makabuluhang panahon ng lumang demokratikong rebolusyon mula 1896 hanggang 1902; ang panahon ng kolonyal at malapyudal na paghahari ng US hanggang 1946, na pinat-langan ng kolonyal na paghahari ng Hapon mula 1942 hanggang 1945; at ang kasalukuyang panahon ng paghaharing malakolonyal at malapyudal na nag-umpisa noong 1946.

Bago ang kolonyal na pananakop ng Pilipinas, nangibabaw sa hanay ng nakararaming Malay ang maliliit na nagsasariling lipunang kinaiiralan ng patriyarkal na pang-aalipin. May mga nagmamay-ari ng alipin, malaking bilang ng mga malayang mamamayan at mga ganap na alipin at malaalipin. Ang pinakamataas na naabot na pormasyong sosyopulitikal ay ang sa mga sultanatong Islamiko sa timog-Kanlurang Mindanao, laluna ang sa Sulu.

Nanatili ang kultura ng mga Malay na nagmula pa noong Panahon ng Bakal. Gayunman, ang mga mamamayan ay naimpluwensyahan ng mga kalapit na bansa sa timog-silangang Asya at ng Tsina. Walang mga istruk-turang megalitiko o yari sa malalaking bato, pero ang mga sultan, raha at pinuno ng barangay ay may malalaking bahay na yari sa kahoy at mga bangkang iba�t iba ang laki at kapasidad. Pangkaraniwan ang bangka na kayang magsakay ng ilang katao. Ang caracoa, na kayang magsakay ng mula 50 hanggang 100 katao, ay ginamit sa pakikipagkalakalan at pakikipag-digmaan sa mga taga-ibang pulo. Ang joangga, na kaya namang magsakay ng mahigit 300 katao ay ginamit sa mas malakihang pakikipagkalakalan.

Dumating sa Pilipinas ang kolonyalismong Espa�ol bunsod ng merkantilismong Europeo at ng hangaring palaganapin ang Katolisismo. Nag-umpisa ang proseso ng kolonyal na pananakop noong huling bahagi ng ika-16 na siglo. Nabuo ang isang kolonyal at pyudal na sistema ng lipunan sa loob ng mahigit 300 taon, kung saan ang mga kolonyal na administrador at prayleng Espa�ol ang naghahari sa mga kolonisadong mamamayan, nagpapataw ng buwis sa mga tao, pangunahi�y sa porma ng pagpapatrabaho, upa sa lupa, tributo sa simbahan at tubong-komersyal mula sa kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal noong mga unang taon ng ika-19 na siglo, at sa bandang huli�y tubo mula sa pakikipagkalakalan sa mga bayang kapitalistang industriyal noong malaking bahagi ng ika-19 na siglo.

Sa kolonyal at pyudal na lipunan, ang mga panginoong maylupa ang bumubuo ng pinakamataas na uri sa mga katutubo. Inaabuso nila ang mga magsasaka, na noo�y bumubuo sa 90 % ng populasyon. Minorya ang mga artisano at manggagawa sa manupaktura. Lalong kakaunti ang mga katutubong pari, propesyunal at klerk na administratibo hanggang matapos ang kolonyal na paghahari ng mga Espa�ol.

Ang nangingibabaw na pwersang pangkultura sa kolonyal at pyudal na lipunan ay ang Katolisismo na pinalaganap ng mga ordeng relihiyosong napapailalim sa kaharian ng Espa�a. Ang mga paring Espa�ol ay nagpasasa sa kapangyarihang panlipunan, pampulitika, pangkultura at moral mula sa mga kolonisadong mamamayan. Ginamit nila ang katesismo, pulpito, kumpisalan at mga seremonyas para kontrolin ang mga mamamayan at gawing lehitimo ang sistemang kolonyal at pyudal. Sa katunayan, epektibo silang kahati sa kapangyarihan ng mga di relihiyosong kolonyal na administrador ng isang estadong sa katunaya�y teokratiko.

Noong dekada 1880, natutunan ng mga repormistang lider ng Kilusang Propaganda ng mga indio at mestiso ang rasyunal na pilosopiya at mga liberal na ideyang pampulitika ng Panahon ng Kaliwanagan sa Pransya (French Enlightenment), ng Rebolusyong Pranses at ng Panahon ng Kali-wanagan sa Espa�a (Spanish Enlightenment). Noong dekada 1890, nasapol ng mga lider ng Rebolusyong Pilipino ang mga rebolusyonaryong ideya ng nasyunalismong burges at demokrasyang liberal. Sa gayo�y sumiklab ang Rebolusyong Pilipino noong 1896.

Pagsapit ng 1899, nalipol na ng rebolusyonaryong pwersa ng sambayanang Pilipino ang kolonyal na kapangyarihang Espa�ol sa buong bansa � maliban sa napapaderang moog ng mga Espa�ol sa Maynila � at naitatag na ang isang pambansang gubyernong rebolusyonaryo. Subalit noong taon ding iyon, matapos magkunwaring tumutulong sa rebolu-syonaryong kilusang Pilipino laban sa Espa�a, inilunsad ng United States ang Digmaang Pilipino-Amerikano para angkinin ang Pilipinas.

Magiting na nilabanan ng sambayanang Pilipino at mga pwersang rebolusyonaryo ang mga pwersang US na higit na nakalalamang sa lakas-militar. Para masakop ang Pilipinas, isinakatuparan ng US di lamang ang paggamit ng pwersang militar at paglilipol ng lahi � pinaslang ang di kukulangin sa 10 porsyento ng populasyon � kundi gumamit din ito ng mga mapanlinlang na islogan ng �mapagpalang asimilasyon� (benevolent assimilation), liberal na demokrasya ni Jefferson, Kristyanismo at �malayang pagnenegosyo� (free enterprise) para makapanggulo sa hanay ng mga lider ng rebolusyonaryong kilusan.

Ipinataw ng US ang sarili nitong kolonyal na paghahari sa Pilipinas. Ngunit kaiba ito sa dating kolonyal na sistema ng tahasang pandarambong na ginawa ng Espa�a. Ito�y kolonyal na paghahari ng isang modernong kapangyarihang imperyalista na ang hangad ay itambak ang mga sarplas nitong produkto at sarplas na kapital sa Pilipinas. Hangad nitong magpasok ng kapital sa kolonya para makapanghuthot ng superganansya.

Mula�t sapul, nakahanda nang bumalangkas ang US ng isang malapyudal na lipunan kung saan ang malalaking kumprador at panginoong maylupa ang mga batayang uring nagsasamantala sa sambayanang Pilipino, at ang panggitnang saray ng mga petiburgesyang lunsod at panggitnang burgesya kasama ng mga manggagawa at magsasaka ang siya namang mga batayang uring pinagsasamantalahan.

Para magawang malapyudal ang pyudal na lipunan, hinati-hati ng US ang isang bahagi ng kinasusuklamang mga asyenda ng mga organisasyong relihiyoso, pinayagang kumilos nang malaya ang mga magsasaka para makapanirahan sa mga prontera o makapagtrabaho sa mga plantasyon, binuksan ang mga minahan, nagpasok ng mga dagdag na kagamitang panggiling (milling facilities) sa mga plantasyon at minahan, pinasimulan ang pagmamanupaktura ng mga produktong pambahay na yari sa lokal na materyales, pinahusay ang transportasyon at komunikasyon at itinayo ang isang sistema ng paaralang pampubliko para makapagpasulpot ng mga tauhang kailangan sa pagpapalawak ng mga negosyo at ng burukrasya.

Para makontrol ang ekonomya at pulitika, kinailangan ng US na makontrol ang sambayanang Pilipino sa larangan ng kultura. Ginawa ito ng US sa pamamagitan ng pagkubabaw at panghihimasok sa dati nang umiiral na kulturang kolonyal at pyudal at sa katutubong kultura ng panahon bago naging kolonya ang Pilipinas.

Pagkaraan ng malupit na pananakop sa Pilipinas, nagpalapad ng papel sa mga mamamayan ang ilan sa mga tropang Amerikano sa pagsisilbing titser sa mga paaralang pampubliko at sa pagtuturo ng Ingles. Pagkaraa�y barku-barkong dumating ang mga titser na Amerikano. Ang pagpapaunlad sa sistema ng paaralang pampubliko ay taliwas na taliwas sa kawalan nito noong panahon ng kolonyalismong Espa�ol. Nagdatingan din ang mga Amerikanong misyonaryong Katoliko at Protestante.

Ingles ang naging wikang panturo sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon. Ito ang naging paraan sa pagpapalaganap ng maka-imperyalistang liberal na pampulitikang pilosopiya at sa paninira sa mga makabayan at progresibong ideya at paniniwala ng mga rebolusyonaryo, na ineengganyo pa mismong pumaloob sa sistemang kolonyal at malapyudal. Kasabay nito, ginamit ang kapangyarihang pampulitika para supilin bilang krimen ang paglaladlad man lamang ng bandilang Pilipino o anupamang palatandaan ng kabayanihan sa mga sulatin, pagtatanghal o aksyong masa.

Hinubog ang kaisipan ng mga batang mag-aaral sa sinasabing Amerikanong pamumuhay at mas natutunan pa nila ang mga anekdota tungkol kay George Washington kaysa ang tungkol sa mga bayani ng Rebolusyong Pilipino ng 1896 at sa mga makabayan at demokratikong mithiin ng sambayanang Pilipino. Sa murang gulang pa lamang, pilit pinayakap sa mga Pilipino ang mga ideya, pag-aasta at panlasang umaayon sa kolonyal na paghahari ng US at sa mga bilihing gawang USA.

Pangunahing pinalaganap ng mga eskwelahang pantitser ng gubyernong kolonyal ang pragmatistang pilosopiya ni John Dewey. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas ayon sa isang maka-imperyalistang tipo ng pilosopiyang liberal at naging pinakamataas na institusyon ng pag-aaral para sa pagprodyus ng mga lider ng bansa sa lahat ng larangan. Ang sinasabing sistemang pensyonado na paggawad ng mga iskolarsip at siguradong promosyon sa trabaho ay kinatampukan ng pagpapadala sa US ng mga burukrata at estudyanteng magpapakadalubhasa sa mas mataas na edukasyon.

Hindi pahuhuli ang mga Heswitang Amerikano sa Amerikanisasyon ng sistema ng edukasyon at kultura ng Pilipinas, kaya nanguna sila sa mga organisasyong relihiyoso sa paghahalili ng mga paring Amerikano sa mga paring Espa�ol sa kanilang mga institusyong akademikong para sa mga nakatataas na uri sa lipunan. Habang ipinagngangangawa ang pananaig ng pananampalatayang Katoliko sa kapitalismo at sosyalismo, sang-ayon sa mga panlipunang ensayklikal ng Papa, buong sigla naman nilang inihanda ang kanilang mga estudyante sa pagtangan sa pinagsanayang papel sa lipunang pinangingibabawan ng monopolyong kapitalismong US.

Sa loob ng maraming taon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinamandila ng mga kolonyalistang US na kanilang �tuturuan sa pama-mahala nang sarili at sa demokrasya� ang sambayanang Pilipino. Patuloy na pinaunlad ng US ang malapyudal na pundasyon ng ekonomya at ang superistrukturang pampulitika at pangkultura para sa paghaharing malakolonyal o neokolonyal. Ang mga lider sa pulitika, ekonomya at kultura ay tinuruan at inihanda para sa transisyon mula sa kaayusang kolonyal tungo sa neokolonyal.

Pagsapit ng 1935, itinatag ang gubyernong Komonwelt para mapag-handaan ang pagtatayo ng republikang neokolonyal pagkaraan ng sampung taon. Sa panahon ding ito, lubusang pinalitan ng Ingles ang Espa�ol bilang upisyal na wika sa serbisyo sibil. Sa paraang Amerikano isinagawa ang propesyunal at teknikal na pagsasanay. Inayon ng mga manunulat at artista ang kanilang mga obra sa mga modelong pampanitikan at pansining ng US. Pinagkaguluhan sa kapuluan ang mga pelikulang Hollywood, popular na musika, sayaw at pananamit na Amerikano at ang mga panggagaya ng mga Pilipino sa mga ito.

II. Imperyalismong Pangkultura ng US sa Neokolonyal na Pilipinas

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagkaloob ng US ang paimbabaw na kasarinlan sa Pilipinas noong 1946, at ibinigay sa mga pulitiko sa hanay ng malalaking kumprador at panginoong maylupa ang responsibilidad sa pangangasiwa sa bansa. Naging isang republikang neokolonyal ang Pilipinas. Nanatiling malapyudal ang panlipunang ekonomya nito at malakolonyal ang sistema ng pulitika.

Ipinagmalaki ng US ang Pilipinas bilang tanghalan ng demokrasya sa Asya, patunay sa �di pagkamakasarili� at �kabutihan� ng US hanggang pagkaraan lamang ng 25 taon, taong 1972, ipinataw ni Marcos sa Pilipinas ang 14 na taon ng pasistang diktadura na tumagal hanggang 1986.

Tulad ng pagpapanatili sa karapatan ng mga korporasyon at mamamayan ng US na magkaroon ng ari-arian sa Pilipinas, sa karapatang pakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa kapantay ng mga Pilipino, sa mga base militar at sa kontrol sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga tratado at kasunduang ehekutibo, pinanatili rin ng US ang kontrol nito sa sistema ng edukasyon at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng natipong kaisipang kolonyal at mga bagong aregluhan, bagong programa at bagong pamamaraan.

Ang antikomunismo na unang tumampok noong dekada 1930 ay higit na umalingawngaw bilang napakahalagang sangkap ng kaisipang kolonyal, at lalong sumidhi pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang reaksyon kapwa sa kilusan sa pambansang pagpapalaya sa Pilipinas na pinamumunuan ng mga komunista, at sa mga bansang sosyalista at mga kilusan sa pambansang pagpapalaya sa Asya at iba pang parte ng mundo. Naging mapang-udyok na pwersa ang Cold War sa imperyalismong pangkultura ng US sa Pilipinas.

Ginawang sangkalan ang antikomunismo para sa pagpapatuloy ng domi-nasyon ng US sa Pilipinas, sa pagpapanatili ng di makatarungang sistemang kolonyal ng malalaking kumprador at panginoong maylupa at sa panunupil sa mga pambansa at demokratikong mithiin ng sambayanan. Naging mati-bay itong panghinang ng antinasyunal at antidemokratikong kumbinasyon ng imperyalismong pangkultura ng US at ng kulturang pyudal sa iba�t ibang antas ng lipunang Pilipino at sa iba�t ibang larangan ng gawaing panlipunan.

Mula noon, ang aspetong pang-ideolohiya ng mga teksbuk at programa sa pag-aaral ay pinaplano na�t pinangangasiwaan ng mga adbayser sa edukasyon at mga bumibisitang propesor na kapwa mula US at ng mga alipures nilang Pilipino, at pinipinansyahan ng mga grant sa ilalim ng US Agency for International Development (US-AID) at mga nauna ritong ahensya, sa ilalim ng US Public Law 480 at ng iba�t ibang pundasyong US tulad ng Ford at Rockefeller.

Ang mga iskolarsip at study travel grant ng mga programang Fulbright at Smith-Mundt, mga pribadong pundasyong US, mga relihiyosong organisasyong nakabase sa US at ang direktang pagpapalitan ng mga unibersidad sa US at Pilipinas at ng iba pang institusyon ay naging napaka-importante sa paghubog at pag-impluwensya ng pamamaraan ng pag-iisip ng mga propesor sa unibersidad at ng kanilang mga estudyante.

Ang US Information Agency at ang mga nauna ritong ahensya, Voice of America, Peace Corps at mga relihiyosong misyonaryong Amerikano ay naging aktibo sa pagpapalaganap ng antikomunista at maka-imperyalistang propaganda at pananaw laban sa mga pambansa at demokratikong mithiin ng sambayanan.

Ipinapasok sa Pilipinas ang impormasyon mula sa ibang bansa pangu-nahin sa pamamagitan ng wire services ng US, tulad ng Associated Press at United Press International, at ng Voice of America. Isang bagong maka-pangyarihang tagapaghatid ng impormasyon mula US ang CNN sa tele-bisyon. Sa mga palihim na paraan ay sinasadya ng Central Intelligence Agency (CIA) na magkalat ng mga istorya sa masmidya sa Pilipinas upang siraan at pasamain ang mga personalidad at kilusang itinuturing na sumpa sa pambansang interes ng US.

Naghuhumiyaw ang mga ahente ng imperyalismong pangkultura ng US tungkol sa obhetibong pag-uulat sa tuwing mahaharap sila sa prole-taryong rebolusyonaryong paninindigan at sa anti-imperyalistang linya ng pambansang pagpapalaya. Pero sa katunayan, ang mga balita at palabas sa burges na masmidya ay sadyang namimihikan sa paksa at impormasyon at tahasang kumokontra sa mga tumututol sa dominasyon ng dayuhang monopolyong kapital at lokal na reaksyon.

Pero hindi kailangang maging Amerikano ang mga direktang tagapagdala ng imperyalismong pangkultura ng US. Ang masmidyang nakaimprenta at elektroniko ay naisabansa na mula noong 1972 at ginigipit na naman ng denasyunalisasyon. Gayunman, may kaisipang kolonyal ang mga Pilipinong nagmamay-ari, manedyer sa brodkast at editor, at gumagamit sila ng mga palabas at programa na gawang US o di kaya�y gawang Pilipino na guma-gaya sa kasalukuyang kalakaran o nauuso sa US.

Unang-una na, mas prestihiyoso at mas nagugustuhan ang mga produkto sa pamilihan dahil ang mga ito�y gawa o galing sa US. Popular ang mga tatak Coca-Cola, McDonald�s at Marlboro. Ang mga bilihing US ay gina-gawang popular ng komersyal na adbertaysing sa midyang elektroniko at nakaimprenta. Pag-aari ng mga Amerikano ang pinakamalalaking ahensya ng adbertaysing sa Pilipinas, o kung Pilipino ang may-ari ay mga produktong US ang iniaadbertays at ginagaya ang estilo ng Madison Avenue.

Sa larangan ng aliwang pangmasa at kulturang popular, laluna sa kalunsuran at malalunsod na mga lugar hanggang sa mga poblasyon, walang dudang nangingibabaw ang US at malaki ang kaabantihan nito sa alinpamang dayuhang impluwensya at kahit sa mga naghahangad na mas itampok ang mga pangkulturang produktong Pilipino o di kaya�y magpasok ng mas Pilipinong katangian sa mga produkto at gawaing pangkultura.

Ginagamit ng mga ahente ng imperyalismong pangkultura ng US ang islogan ng purong aliwan kaugnay ng kulturang popular. Layon nitong magpalaganap ng pagbabalewala (apathy), sinisismo at eskapismo sa bisa ng pagpapaanod sa mga instinct at sa ego, pigiling lumaganap ang rebolusyo-naryong panawagan sa sambayanan at magtaguyod ng mga ideya at sentimyentong sumusuporta, direkta man o hindi, sa pusisyon ng monopol-yong kapitalismo ng US.

Pinangingibabawan ng mga pelikulang Hollywood, programa sa telebisyon mula US, sikat na kantang pop at pananamit ang kultura ng mga nakatataas na uri, petiburgesyang lunsod at panggitnang burgesya, burgesya ng kanayunan, kahit ang mga maralitang lunsod. Hindi gaanong nabobomba ng imperyalismong pangkultura ng US ang mga maralita at panggitnang magsasaka at mga katutubo sa mga liblib na lugar. Ngunit hindi matatakasan ang impluwensya nito sa radyo, sa pagpasok ng ilang produktong US o sa paminsan-minsang pagbyahe patungong kalunsuran.

Kahit sa isports, napakalakas ng impluwensya ng kulturang US. Basketbol ang pinakapopular na laro ng kalalakihan at larong panoorin sa Pilipinas, kahit na ba hindi katangkaran ang karaniwang Pilipino. Alam na alam ng mga Pilipino ang mga pangalan at estilo ng paglalaro ng mga sikat na basketbolista ng US sa NBA tulad ng pagkakakilala nila sa mga artista ng Hollywood.

Mula noong dekada 1960, itinaguyod na ng US ang paraang multinasyunal sa dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas at sa pagsasamantala ng sambaya-nan. Mula noon, tinalo na ng Japan ang US sa pagbebenta ng mga sasakyang demotor at pangkonsyumer na produktong elektroniko sa Pilipinas. Pero napakahina ng impluwensyang pangkultura ng Japan kung ikukumpara sa impluwensya ng US. Maaaring Sony ang tatak ng video-player o compact-disc player pero Kano pa rin ang pelikulang pinanonood o musikang pinakikinggan. Walang kwenta ang karaniwang pelikulang Hollywood at pulos nakakatusing na kanta ng pag-ibig ang mga sikat na kantang pop.

Ang pananatili ng Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa mga paaralan at pangunahin ding wika sa upisyal at pangmasang komunikasyon ay nakapaglalaan ng laging maaasahang daluyan ng imperyalismong pangkultura ng US. Hindi lamang pangunahing wikang dayuhan sa Pilipinas ang Ingles. Kasama ang Taglish, Ingles ang nangunguna at malayong pumapangalawa lamang ang Pilipino o Tagalog-Maynila bilang wika sa komunikasyon ng mga Pilipinong nakapagtapos ng hayskul.

Ang mga natamo ng kilusan para sa isang pambansa at demokratikong kultura, mula noong dekada 1960 hanggang noong mga unang taon ng dekada 1970, ay parang naglaho dahil sa pasistang rehimeng Marcos, simula noong 1972. Halimbawa, nanamlay ang namumuong pagkiling ng mga propesor sa unibersidad sa Pilipino bilang wikang panturo, gayundin ang pagkiling ng mga brodkaster sa radyo sa musikang Pilipino sa Tagalog. Syempre pa, ipinagbawal ang mga kanta, pelikula at artikulong tumutuligsa sa pang-aapi at pagsasamantala ng imperyalismong US at ng mga lokal na uring mapagsamantala, at pinalasap ng sobrang pahirap ang mga awtor nito � naroong tanggalin sa pinagtatrabahuhan, kumpiskahin ang kanilang mga ari-arian, mabilanggo at itortyur.

Sa mga nakapag-aral sa unibersidad, mas kinikilala ang panitikan sa Ingles kaysa panitikan sa Pilipino kahit mas marami ang mambabasa ng mga publikasyon sa Pilipino. Sa katunayan, ang mga pamantayan at tuntunin sa kung ano ang itinuturing na mahusay na akda ay pangunahin pa ring itinatakda ng kritisismo ng sining at panitikan na hinango sa burges na panitikang US ng mga pangkaraniwang propesor sa unibersidad, manunulat at kritiko na hali-haliling binibigyan ng mga iskolarsip at travel grant sa United States.

Anupaman ang mga makabagong teoryang pumapalibot sa �sining alang-alang sa sining� (art for art�s sake) o sa tinatawag na kadalisayan ng panulaan sa hanay ng mga nakapag-aral sa unibersidad, nananatili ang katotohanang paglabas nila ng klasrum, pipitsugi�t bulok na nobelang Kano o mga patakbuhing akdang nakatuon sa seks at karahasan ang madalas nilang bilhin, mga komiks at magasing nagtatampok ng mga bituin sa pelikula at sa isports.

Sa isang sarbey ng mga batang mag-aaral sa paaralang pampubliko para sa isang disertasyong doktoral noong dekada 1980, matingkad ang manipestasyon ng pagkalaganap at lalim ng impluwensya ng imperyalismong pangkultura ng US sa Pilipinas. Tinanong ang mga mag-aaral kung sa aling bayan nila gustong maging mamamayan sakaling papipiliin sila. United States ang pinili ng nakararami.

Imperyalista man o hindi, malakas ang impluwensyang pangkultura ng US sa Pilipinas, hindi lamang dahil sa pagkubabaw o pagtagos nito sa kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga ahensya at ahenteng Kano kundi dahil na rin sa madalas na pagparoo�t parito ng mga Pilipino sa pagitan ng US at Pilipinas, at sa katotohanang mga dalawang milyong Pilipino ang naninirahan ngayon sa United States.

Mula 1989, nang mayanig ang rebisyunistang burukrata-kapitalistang rehimen ng Tsina at magsimulang gumuho ang mga nakakatulad nitong rehimen sa Silangang Europa at Unyong Sobyet na matagal na ring nagpa-panggap na sosyalista, lumarga nang husto ang makinarya sa ideolohiya at propaganda ng US sa pagpapakalat ng linya na walang pag-asa ang paki-kibaka para sa pambansang pagpapalaya at sosyalismo at ang kasaysayan ay wala nang isusulong pa mula sa kapitalismo at demokrasyang liberal.

Natatangay ng imperyalistang opensiba sa ideolohiya at pulitika ang isang maliit na seksyon ng intelihensya. At may sandakot na bayarang ahente ng US at ilang di mapagkakatiwalaang elemento na nagpapalutang ng ideyang laos at inutil na ang pakikibakang anti-imperyalista at ang maka-uring pakikibaka. Ipinagngangakngakan nilang wala nang magagawa kundi ang maghangad ng mga repormang burges-demokratiko sa loob ng �bagong kaayusan sa mundo� (new world order) sa ilalim ng solong hegemonya ng United States. Pinalalabas ng mga NGO (non-government organization) na pinipinansyahan ng mga tagapondong ahensya ng US, Kanlurang Europa at Japan na sila umano ang alternatiba sa rebolusyonaryong kilusang masa na pinamumunuan ng partido ng uring manggagawa.

Sa kabila ng hegemonya ng imperyalismong pangkultura ng US sa Pilipinas, na pinatitindi ng mataas na teknolohiya sa transportasyon at komunikasyon, sinasakyan nito ang nananaig na sala-salansang kulturang pyudal at katutubong kultura sanhi ng di nagbabagong malakolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino. Naglalaban at nagtutulungan ang kulturang imperyalista at kulturang pyudal bagamat pangunahi�y may salungatang sabwatan (schizophrenic collaboration) ang dalawang ito, laluna sa pagpapanatili ng kalakaran sa ekonomya, pulitika at kultura.

III. Paglaban sa Imperyalismong Pangkultura ng US

Ang imperyalismong pangkultura ng US ay malakas at pursigidong nilalabanan ng mga makabayan at progresibong pwersang tumatangan sa pangkalahatang linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon at nana-nawagan para sa isang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura. Ibinibilang ko ang aking sarili sa pwersang ito. Hindi naman sa pagmamalaki, nakilala ako bilang tagapagpahayag ng pwersang ito mula pa noong 1959 nang graduate student pa ako at lektyurer sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang kasalukuyang pambansa-demokratikong rebolusyon ay maituturing na pagpapatuloy ng di natapos na Rebolusyong Pilipino ng 1896. Isa itong kilusang magkukumpleto sa pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa dominasyong dayuhan at pyudal. Binibigo na ng US ang pakikibakang ito sapul pa noong umpisa ng kasalukuyang siglo.

Mailalarawang bagong tipo ang isinasagawa ngayong pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang makauring pamumuno ay nalipat sa uring manggagawa mula sa burgesyang liberal na papausbong noong panahon ng lumang demokratikong rebolusyon ng 1896. Nasa ubod ng rebolusyo-naryong kilusan ang mga kadreng ginagabayan ng Marxismo-Leninismo, samantalang ang nasa ubod ng Rebolusyong Pilipino ng 1896 ay mga kadreng ginagabayan ng antikolonyal na ideolohiyang liberal-burges.

Isinasaalang-alang ngayon ng pambansa-demokratikong rebolusyon ang mga obhetibo at suhetibong kundisyon sa panahon ng modernong imperyalismo at proletaryong rebolusyon. Habang itinataguyod ang maka-uring pamumuno ng uring manggagawa, umaangkla ito sa alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka, naghahangad na mahikayat sa panig ng rebolusyon ang mga panggitnang saray ng lipunan at nagtatangkang samantalahin ang mga kontradiksyon ng mga reaksyunaryo para labanan at ibagsak ang dayuhang monopolyong kapitalismo, lokal na pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

Programadong hinaharap ng pambansa-demokratikong rebolusyon ang mga isyu sa pulitika, ekonomya at kultura para mapukaw, maorganisa at mapakilos ang mga mamamayan. Layunin nitong palitan ng demokratikong estadong bayan ang estado ng malaking kumprador-panginoong maylupa na kontrolado ng US upang malusaw ang malapyudal na ekonomyang agraryo sa pamamagitan ng programa sa pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, at gayundi�y malusaw ang antinasyunal, pyudal at anti-mamamayang kultura sa pamamagitan ng isang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura.

Bakit dapat maging pambansa ang kulturang Pilipino? Matagal na itong bihag, hirap at pinagsasamantalahan ng kaisipang kolonyal sa ilalim ng mahigit tatlong siglo ng kolonyalismong Espa�ol at pagkaraa�y ng kaisipang kolonyal at neokolonyal na ipinataw ng imperyalismong US.

Ang mga lokal na kultura at ang umuunlad na pambansang kultura ay dapat mahalin at pagtibayin at gawing bahagi ng rebolusyonaryong kamulatang pambansa nang sa ganoo�y makapagsilbi sa pambansang pagpapalaya at maiwaksi ang kahangalang pagpapaalipin sa dominasyon ng mga dayuhan. Sa gayo�y marangal na makakapwesto ang bansang Pilipino sa komunidad ng mga bansa.

Bakit dapat maging syentipiko ang kulturang Pilipino? Dapat nitong iwaksi ang napakabigat na epekto ng kulturang pyudal at malapyudal, palayain ang sambayanan sa pagkakagapos bunga ng mga pamahiin, kawalan ng edukasyon at misedukasyon at pakinabangan ang mga pag-unlad ng syensya sa mundo.

Dapat palayain ng syentipikong kultura ang mamamayang anakpawis at iba pang pwersang mapanlikha mula sa mga pwersa ng pang-aapi at pagsasamantala. Dapat magsilbi ang syensya at teknolohiya sa pangka-lahatang pag-unlad ng sambayanan. Ang kalalakihan at kababaihang nakapag-aral ng syensya ay hindi na dapat maging tagasilbi lamang ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo.

Bakit dapat magkaroon ng katangiang pangmasa ang kulturang Pilipino? Higit sa lahat dapat nitong pagsilbihan ang masang anakpawis. Ang mga mamamayan mismo ang dapat magpaunlad ng ganitong klase ng kultura. Nahahango ang pinakamahalagang kaalaman sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang kalagayan, mga pangangailangan at kakayahan. Ang anumang mas mataas na kaalaman mula sa alinmang pangkat ng mamamayan ay maaari at nararapat ipalaganap.

Hindi dapat ituring na walang kabuhay-buhay na masa ang mga mamamayan. Sa yugtong ito ng kasaysayan ng rebolusyong Pilipino, malinaw na pinamumunuan ng uring manggagawa ang sambayanan at binubuo sila pangunahin ng higit na nakararaming manggagawa�t magsasaka. Dapat kumampi sa kanila ang intelihensya laban sa mga mapagsamantalang may-ari ng lupa at kapital.

Bago mag-Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may mga pagsisikap maging ang uring manggagawa o ang petiburgesyang lunsod na ipagpatuloy ang rebolusyong Pilipino. Ngunit laging nabibigo ang mga pagsisikap na ito hanggang noong 1959 ay nakapagpanibagong-sigla�t tuluy-tuloy nang nakapagpalago hanggang sa kasalukuyan.

Itinatag noong 1959 ang Student Cultural Association of the University of the Philippines bilang tagapagtaguyod ng bagong demokratikong rebolusyon at ng kulturang umaayon sa pangkalahatang linyang ito. Kabilang sa SCAUP ang isang lihim na ubod ng mga Marxista-Leninista. Naging pangunahing makina ito para sa pagtatatag ng Kabataang Makabayan (KM), isang kumprehensibong organisasyon ng kabataang manggagawa�t magsasaka, estudyante at propesyunal, noong Nobyembre 30, 1964.

Namukod-tangi ang KM bilang tagapagtaguyod ng ligal na kilusang demokratiko ayon