Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Pelikula
TOC ANG KAAWAY (2003)


Ang terorismo ng imperyalismong US ang paksa ng bidyong ito. Mahigit dantaon nang proyekto ng US ang pananakop at pag-agaw ng kapangyarihan sa mga bansang target nitong tambakan ng kapital at sarplas. Lakas-militar ang kasangkapan sa pagsulong at pagpapatibay sa layuning ito. Handa itong makipaggirian sa kapwa imperyalista upang mapagharian ang pandaigdigang pamilihan. Pilit nitong sinusugpo ang mga kilusang naggigiit ng pambansang soberanya.

Sa karanasan ng Pilipinas, masasaksihan ang iba't ibang paraang gamit ng US upang maitaguyod ang dalang imperyalistang pakana. Pinananatili nitong atrasado ang ekonomya ng Pilipinas para umasa sa pag-eksport ng hilaw na materyales at pag-import ng yari nang produkto sa US. Sa hanay ng lokal na naghaharing-uri, nagsanay ito ng mga papet na lider na magpapalusot sa mga patakaran at programang pabor sa bansang Amerikano. Noong Ikalawang Digmaang Pan-daigdig, gayong sukol na ang mga pasistang Hapon, winasak ng bomba ng mga Amerikano ang Maynila. Ito'y upang matiyak na aasa ang Pilipinas sa US para makabangon sa pinsala ng gera. Binuo at pinondohan ng Central Intel-ligence Agency ang Abu Sayyaf para lusawin ang pwersa ng pakikibakang Bangsamoro. Ang mga teroristang aktibidad din ng Abu Sayyaf ang ginawang dahilan para muling papasukin sa Pilipinas ang mga tropang Kano bilang pwersang panagupa sa mga kalaban ng imper-yalismo, kabilang na ang Bagong Hukbong Bayan. Maraming paraan ang imperyalista.

Nasasadlak sa malubhang krisis pang-ekonomya ang US sa kasalukuyan bunga ng labis na produksyon at kumikitid na pamilihan. Sa aral ng kasaysayan ng pandaigdigang interbensyon at agresyon ng US, madaling matukoy na ang hinahasik nitong "gera kontra terorismo" ay desperadong pagtatangkang isalba ang bumubulusok nitong ekonomya. Ang tunay na pakay ng US sa pagpapatindi ng mga opensibang militar ay makapang-agaw ng teritoryo at masupil ang mga rebolusyo-naryo at mapagpalayang kilusang banta sa imperyalismo. Anupa't nagaganap ito sa mga bansang halos walang laban sa kanilang kaka-yahang militar. Sino, kung gayon, ang terorista? Tumpak ang pamagat. Walang kaduda-duda, kaaway ngang dapat ituring ang imperyalistang US.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.