A - api ang mamamayan
B - binubusabos ng dayuhan
K - kinakawawa ng may yaman
D - dinarahas ng nanunungkulan
E - estado ang ating kalaban
G - galamay ng imperyalistang dayuhan
H - hinuhuthot ang pinagpaguran
I - inaagaw ang lupa�t kabuhayan
L - lakas ay pagbuklurin
M - mamamayan, huwag nang paaalipin
N - nasa sariling kamay, ating kinabukasan
Ng - ngayon din ay magbangon, makibaka, lumaban!
O - oras ay huwag sayangin
P - pagsasamantala�y dapat nang tapusin
R - rebolusyon ng sambayanan, ating paigtingin
S - sakripisyo�y harapin alang-alang sa mithiin
T - talino at lakas, ialay natin
U - upang lipuna�y baguhin, kasaysaya�y likhain
W - wakasan ang pang-aalipin
Y - yaman ay bawiin, uring api�y palayain!
|