Sa karnabal, isang gintong kalasag ang di mapigil
Sa pag-ikid sa baha ng karimlang mapaningil
Hinahabi ang lahat ng matagpuang bituin
Sa isang marahas na lambat na humihiyaw sa ningning
Ng pamilihang walang-hanggang dinadalangin.
Hitik sa mga burloloy itong tarangkahan
Ng mga karatulang sadya namang bulaan
At nang sa singil ng propitaryo�y mabuksan
Ngayo�y nangangaing gaya ng pusang turuan �
Ang Malakanyang ng mga burukratang bayarang
Tinataimtim ang mersenaryong diwa ng batas at paraan
Kung paano�ng puwang at pag-aari�y mapag-aagawan.
Sa pagbungad sa siksikang bulwagan
Pagbabanyuha�y masigla�t kabi-kabilaan
Kaya nga�t di na maulinigan ang pagpapanday ng mga obrero
Na s�yang bumuo nito�t nagpasan, gaya ni Bernardo Carpio.
Sa anarkikong ayos ng mga tolda ng monopolista
Nagpapakitang-gilas ang mga halimaw na mapagsamantala.
Ang mga propesyunal at pulitiko
Na sa alambre ng ambisyo�y tumutulay at sumisirko
Ay bihasa rin sa pagkahayop ng mga leon, elepante at kabayo,
Sa pagkahayok ng mga oso at tsonggo.
Ang mga hambog ay ekspertong mga payaso,
Laluna�t gamit ang kinapon nilang pamimilosopo.
Sa mga palabas tampok ang mga may pambihirang itsura
Na bagama�t seryoso�y tampulan ng mga tawa
Kasama ang tsonggong maestro na kinukondukta
Ang orkestrang pinatutugtog sa plaka.
Tampok naman sa iba pa ang sadyang kay hirap paniwalaan
Tulad ng ahas na s�ya raw tumukso kay Eba at kay Adan
O ng batang may luslos at kung anupang kapansanan.
Samantala, ang pamboboso�y mahiwaga at di malaswa,
Kinakikiligan ng mga matronang pangkawanggawa;
Sa laberintong salamin nama�y magsasawa
silang nahuhumaling sa sarili nilang mga mukha;
Libre ang pagpasok sa bahay ng katatakutan
Pakana ng Coca Cola na sa huli�y kikita rin naman.
Walang-humpay ang pag-ugong ng mga makina ng tsubibo,
sasakyang pangkalawakan, rolerkoster, dumuduyang eroplano,
At tren � nagbabadya sa pananalasa
Nitong karnabal sa daigdig ng mga nangangalumata
Ng mga musmos na magsisilisan sa lupang sinalanta
Matapos ang gabi ng koronasyon ng mutyang makwarta.
|