Nagpapaumanhin ang patnugutan kaugnay ng ilang mga nakaligtaang datos sa ilang mga piyesang lumabas sa Hunyo 1998 na isyu ng ULOS. Sa sanaysay tungkol sa buhay ng dakilang kasamang si Crisanto Evangelista, hindi si Mao Zedong ang tinutukoy na personal na nakaugnayan niya sa Tsina kundi si Zhou Enlai. Sa parehong artikulo, hindi 1940 kundi 1941 ang taon kung kailan nasangkot sa ikalawang imperyalistang digmaan (World War II) ang Pilipinas. May ilan ding naputol na linya sa salin ng "Birds Of Prey" ("Ibong Mandaragit") ni Teodoro M. Kalaw. Magsisikap ang patnugutan na maiwasan ang ganitong mga kahinaan sa mga susunod na isyu ng Ulos.
|