|
Ulos: Hunyo 2003 Tula TOC
Imperyalismo
|
Jose Corazon de Jesus (Taliba, Enero 6, 1923)
�Washington D.C. (Nob. 30) � Maraming pahayagan dine ang nagsasabi na hindi dapat palayain ang mga Pilipino sapagkat hindi pa edukado at tinitiyak nila na hindi magkakaroon ng independensiya hangga�t di marunong ng Ingles ang lahat ng Pilipino.� |
Ingles naman ngayon itong salitaan,
lalo pang lumayo yaong Kasarinlan;
matuto ng Ingles itong Kapuluan,
mawalan ng Wikang katutubo�t mahal;
mag-Amerikano sa kaugalian,
mag-Amerikano pati kabastusan,
mag-Amerikano gayong hindi naman,
isang utos itong napakahalimaw!
Piliting ang bayan, nang upang lumaya�y
papagsalitain ng di niya wika:
Imulat ang mata sa kilos masagwa,
edukahin tayong parang gagong bata.
Ito�y gawa lamang noong mga bansa
na lubhang salbahe, makamkam, masiba!
Walang katuwiran ang may ganyang diwang
ululin ang bayan sa pangakong pawa.
At hindi ba Ingles itong aming bayan?
Tingnan at kay buti na naming magnakaw,
tingnan at kay buting umestapa diyan,
tingnan at kay galing sa panunulisan.
Noong araw baga, kami�y mayr�on niyan,
noong araw baga�y may sistemang ganyan?
Iya�y edukasyong aming natutuhan
sa iingles-ingles na dito�y dumatal!
Noong araw kami, sa isang araro�y
ilagay ang k�walta at may tatrabaho;
ngunit ngayon, gawin ang sistemang ito
at tangay ang k�walta pati araro mo.
Kung tunay mang kaming mga Pilipino,
natuto�t bumuti sa Amerikano,
ang Amerikano ay nagdala rito
ng sama rin naman ng mga bandido.
Pipilitin ngayong matuto ng Ingles
ang bayang ang nasa�y Paglayang matamis;
pipilitin ngayon dila�y mapilipit
nitong mga taong dila�y matutuwid;
pipilitin ngayon kami ay mapiit
hangga�t di matuto na umingles-ingles;
saka pagkatapos, pipintasang labis,
inyong sasabihing kami�y batang paslit!
Tarantado na nga itong daigdigan!
Tarantado na nga itong ating bayan!
Kung ano-ano na iyang kahilingan,
sunod ke te sunod na animo�y ugaw!
Kung ayaw ibigay iyang Kasarinlan,
tapatang sabihin, na ayaw ibigay.
Pagkat dito�y inyong kinakailangang
maging dambuhala ng pangangalakal!
Ni walang katwirang dito ay magtaning
ang sinumang bansang dumayo sa amin;
walang bayang api ni bayang alipin
at hindi katwiran na kami�y sakupin!
Kung bagama�t ito�y natitiis namin,
sapagkat ang Oras ay di dumarating!
Nagtitiis kami�t umaasa pa rin
na ang Amerika�y hindi bansang sakim!*
*Tandaang isinulat ito sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ang umano�y �pag-asa� ng makata ay tugon lamang sa paulit-ulit na pangakong �Kasarinlan� at hindi bulag na pag-asa sa mananakop. Sa katunayan, hindi rin nagtiis si de Jesus at hindi napatid ang matalas niyang panunuligsa sa imperyalistang US sa kanyang panulat. -Pat.,/font>
|
|
Previous | Table of Contents | Next
|
|