Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Pelikula
TOC DALUYONG: Ang Manggagawang Pilipino sa Panahon ng Globalisasyon (2001)


Globalisasyon ng malayang kalakalan, imperyalistang pakanang nangangako ng kaunlaran, maginhawa't masaganang buhay para sa lahat - ngunit kabaligtaran ang naga-ganap. Tinalakay sa bidyong ito ang kala-gayan ng mga manggagawa sa tatlong dayu-hang monopolyo-kapitalistang empresa. Ang mga ito'y pawang nasa loob ng mga sonang pang-ekonomyang inuka sa lupang sakahan. Di pa man naitatayo ang pabrika, naagawan na ng kabuhayan ang mga magsasaka.

Ipinakita rito ang kongkretong epekto ng globalisasyon sa mga manggagawa: kawalan ng seguridad sa trabaho, panggigipit at pandarahas sa mga unyon, paglapastangan sa kanilang mga karapatan at kagalingan. Paliwanag ng isang lider-manggagawa, bunga ng mahigpit na pandaigdigang kumpetisyon, nagbabawas ng gastusin sa pabrika para hindi magalaw ang kita ng kapitalista. Ginigipit ang pasahod, nagbabawas ng regular na mangga-gawa, nilulusaw ang mga unyong nakikipag-laban para sa kanilang mga karapatan.

Gayunpaman, patuloy na lumaban ang mga manggagawa sa garapalang pagsa-samantala. Pinanatiling matatag ang unyon sa bisa ng patuloy ding pag-aaral at pagkilos. Dinala ng mga manggagawa ang laban sa kalsada. Nakilahok sila sa pagpapatalsik kay Joseph Estrada, na gaya ng mga naunang pangulo ay tagapagtulak din ng globalisasyon at ng mga patakarang anti-manggagawa at anti-mamamayan. Patuloy ang laban kahit wala na si Erap, lalupa't ang pumalit ay isa na namang patron ng globalisasyon - sa anyo ni Gloria Macapagal-Arroyo.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.