Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Setyembre 2001
TOC Ang Mga Nag-ambag


Nasa panlarangang yunit gerilya si Kasamang Valdez, at naghahasa hindi lamang ng tabak ng digmaan kundi pati na rin ng pluma. Naggigitara rin siya, umaawit, at madalas pinatatawa niya ang masa at mga kasama.

Isang magaling na propagandista si Ka Intang Arguelles, at ikinaliligaya niya ang kanyang bolyum ng mga tula ng makatang komunista na si Pablo Neruda.

Masigasig si Kasamang Adi sa gawaing edukasyon at sa pagkilos sa isang larangang gerilya.

Kompositor, mandudula at mang-aawit si Ka Nico del Prado, at nagpapasaya siya ng mga kasama sa kanyang bibong pakikitungo.

Dating unyonista si Kasamang Risa at ngayo'y kumikilos na sa kanayunan. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin isang kompositor, mang-aawit, at may tungkulin sa instruksyon sa rehiyon.

Si Ka Joven Obrero ay naghahain ng mga engrandeng ideya, mahihinahong tula at kwento, at maaanghang na pagkain. Abala siya sa gawaing propaganda at edukasyon.

Nakakapagsulat si Ka M. Gerone Magbanua ng kahit ano sa ilalim ng araw, maging sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng mga pag-aaral na pinanghahawakan niya.

Responsableng kadre ng isang larangan si Ka Hasmin Silang at nagsusulat sa mga bakanteng panahon mula sa usaping pamamahala hanggang sa gawaing pakikipag-alyansa.

Masaya si Ka Karil Andres sa kanyang pakikibaka, pag-ibig, pamilya, pagsusulat at pagtuturo ng mga rebolusyonaryong kurso sa rehiyon.

Dahil ang isang rebolusyonaryong hukbo ay hindi lamang pandigma, bagkus ay pangkultura rin, aktibo sa gawaing pangkultura ang Pulang mandirigmang si Kasamang Umol.

Hindi lamang siya titser ng Pulang paaralan, at tagadala ng bigas at M-14; tinatawag rin talaga ng mundo ng pag-arte at pagsusulat si Ka Isaiah Labrador.

Nakapagbuo si Ka Ditan Dimase ng serye ng mga tula, kabilang na ang "Duryan", habang nasa isang pag-aaral.

Ang tula ni Godofredo Guimbalibot, Ka Paking, ay isinulat at lumabas sa Pasa Bilis, pangmasang pahayagan ng rehiyon, ilang panahon lamang bago siya namatay noong Agosto 2, 1999. Inilalathala muli ito sa Ulos sa kanyang alaala.

Isang kadreng pulitiko-militar si Ka Paston Bagani, at siya'y nagsusulat sa pagitan ng mga taktikal na opensiba at iba pang mga gawain.

Tumutulong sa pagsasaayos ng Pasa Bilis at sa iba pang gawain ang manunulat na si Ka Eman Pablo.

Aktibo sa rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante si Ka Sali Jeremias, kaya marahil ay bihira lang nakakauwi.

Si Kasamang Paolo ay masipag na rebolusyonaryong mang-aawit at nakapagpalabas na ng dalawang bolyum ng kanyang mga kanta.

Sina Ka Agos Verdadero, Ka Marti Abril at Ka Ludwig Santos ay mga clone ng ilang manunulat sa isyung ito. Hulaan niyo na lang kung sino, pero kung sila ang tatanungin ay malamang na hindi nila aaminin.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.