Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
Ang Kahapon
TOC 1902-1991
Mutya ng Manggagawa
Honorata �Atang� De la Rama


Sa nakaraang pitong dekada, natampok si Honorata �Atang� de la Rama bilang isa sa pinakamasigasig na tagapagtaguyod ng pangkulturang pagkakakilanlan ng Pilipino. Sa kasagsagan ng rehimeng kolonyal ng mga Amerikano, nang nanlulupaypay na ang mga manonood sa kulturang banyaga, walang-takot niyang ipinaglaban ang pananaig ng kundiman (ang isa sa pinakamahalagang uri ng awiting bayan ng mga Pilipino) at ng zarzuela (isang dulang musikal) na pumaksa sa mga isyung panlipunan tulad ng labis na pagpapautang, pagsasabong at kaisipang kolonyal.Tatlong salinlahi ng mga artista at manonood na Pilipino ang pumuri kay Atang dela Rama.

Bilang aktres, ang kanyang talino sa pag-awit at pag-arte ang siyang pinagkakautangan nang malaki sa tagumpay ng mga sarsuwelang tulad ng Dalagang Bukid at ng mga dramang tulad ng Veronidia. Bilang prodyuser-manedyer, tinuklas at hinasa niya ang maraming batang artista na naging mga institusyon din sa teatro at musikang Pilipino. At bilang manunulat-prodyuser, itinampok niya ang mga dulang tulad ng Anak ni Eva at Bulaklak ng Kabundukan. Dahil sa lahat ng ito, itinanghal si Atang de la Rama ng kanyang panahon bilang Reyna ng Kundiman at Reyna ng Zarzuela.

Dahil sa kanyang paniniwala na ang sining ay para sa lahat, lumabas si Atang de la Rama hindi lamang sa mga teatro ng Maynila kundi pati na rin sa mga sabungan at plasa sa mga lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao. Kung kaya naman naiparating niya ang kanyang sining di lamang sa mga prinsipalya ng mga syudad kundi pati na sa mga Igorot ng Cordillera, mga Ita ng Zambales, mga Mangyan ng Mindoro, at mga Muslim ng Mindanao.

Tulad ng asawa niyang, si Amado V. Hernandez, naniwala siya na maaaring magsanib ang sining at pulitika. Taos-pusong itinaguyod ni Ka Atang, ito ang tawag sa kanya ng mga karaniwang tao, ang adhikain ng mga manggagawa at lahat ng kapus-palad sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga libreng konsyerto at pag-awit sa mga rali at piket. Para sa kanya, mapapatingkad ng kapangyarihan ng sining ang paglalarawan ng mga katotohanan sa lipunan nang hindi mapapariwara ang kasiningan.

Sa kanyang pagnanais na makilala ang kanyang bansa sa sandaigdigan, umawit siya ng mga kundiman at iba pang awiting Pilipino sa mga konsyerto niya sa Hawaii, San Francisco, Los Angeles, New York, Hongkong, Shanghai at Tokyo. Habang ipinakikilala niya ang sining ng Pilipino sa mga banyaga, nakuha niyang pakinisin ang sarili niyang sining sa pag-aaral niya ng lahat ng matututuhan sa mga kapwa artista at mga akademyang pansining sa mga bansang kanyang dinalaw.

Ang kanyang taimtim na pagpapahalaga sa mga orihinal na dula at musikang Pilipino, ang pambihirang kasiningang ipinamalas niya bilang mang-aawit at bilang aktres-manunulat-prodyuser ng zarzuela, ang kanyang walang-humpay na pagpupunyaging maipaabot ang kanyang sining sa lahat ng rehiyon at sektor ng lipunang Pilipino at sa sandaigdigan - ang lahat ng ito ang lumikha kay Atang de la Rama



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.