Nasaan ang mga minero, nasaan ang mga gumagawa ng lubid,
Silang mga nagbibilad ng mga suelas ng sapatos,
Silang naghahagis ng lambat?
Nasaan sila?
Saan ang mga umaawit sa pinakatuktok ng mga gusali,
Dumudura at nagmumura sa ibabaw
Ng sementong nagtatayugan?
Nasaan ang mga boluntaryo't
Panggabing manggagawa sa tren?
Nasaan ang unyon ng mga tagadala ng bilihin
Sa palengke?
May hawak na riple, may hawak na riple.
Sa gitna ng kulay-lupang pagtibok ng kapatagan,
Nakatanaw sa ibabaw ng kapangahasan.
Inaasinta ang bala sa matibay na kaaway tulad ng mga tinik,
Tulad ng mga makamandag na ahas, ganun!
Araw at gabi, sa abong malungkot ng bukang-liwayway,
Sa birtud ng tanghaling nangitim sa init.
|