Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Agosto 1999
TOC Liham


Hunyo 5, 1998

Ka Juaning at Minda,

Maalab na pagbati sa inyo! Kumusta na kayo? Ilan na ang anak ninyo?

Congratulations sa muling paglabas ng ULOS. Laluna nitong huli na kinalagyan ng mensahe ni JMS sa Konggreso ng PAKSA noong 1971. Mahusay nga na naglalaman ang ULOS ng mga kathang makasining at ng gabay sa gawaing pangkultura. Masundan pa sana ito ng mga isinulat ng iba pang mga gurong komunista sa usaping pangkultura.

Gumanda, dumami at may markadong baryasyon ang mga dibuho ng huling ULOS. Maganda rin ang pabalat, dikit sa karanasan ng mga kasama, masa at manggagawang pangkultura. Kahit ang size nito ay angkop na angkop.

Sa susunod na isyu na lang magpapadala ang Cagayan Valley ng kontribusyon sa ULOS. Mabuti na lang at nailagay ang kantang Ang Gabay na gawa sa Cagayan kahit pa matagal na ito. Mungkahi naming madagdagan kami ng kopya.

Mayroon nga pala kaming plano na mag-teyp ng mga kantang Iloko at Pilipino. Wala pang mga bagong likhang kanta. Mga luma pa rin, pero napag-uumpisahan na ang luma para sa muling pagsigla ng paglikha ng bago. Meron kayang �studio� na pwede ang mga rebolusyonaryong kanta at ang mga kakanta ay Hukbo. Pwede rin naman kahit hindi studio basta�t kontrolado ang ingay. Kung sakaling makakapagtipon kami ng mga kasamang may hilig sa gawaing pangkultura, maari ba kayong imbitahan na magbigay ng pagsasanay sa kanila?

Malaking bahagi ng pagsigla ng gawaing masa ang gawaing pangkultura. Karanasan natin iyan sa mga taong 1979-82 sa Cagayan. Sa panahon ng SCO, humina na ang sigla sa ganitong larangan ng gawain. Sa isang tamang linyang pampulitika sisigla ang gawaing pangkultura. Ngayon na pinasisigla ang gawaing masa mula sa panahon ng adbenturismong militar, kailangan ring pasiglahin ang gawaing pangkultura.

Gusto ko ring mabalitaan ang kalagayan ng iyong asawang si Ka Minda. Nagpatuloy ba siya sa paglikha ng mga kanta? Siya yata ang gumawa ng kantang hawig sa tono ng Rancho Grande. Nagpatuloy rin ba siya sa pagiging instruktor Pampartido, at pagiging kadre ng Partido? Sige, hanggang dito na lang muna.

Ka Sining

Cagayan Valley


Hunyo 10, 1998

Ka Sining,

Mapulang pagbati! Wala ngayon sa aming tabi ang mag-asawang si Ka Juaning at Minda. Kaya kami na muna ang sasagot sa iyong liham.

Gayon na lamang ang aming tuwa kapag nakatatanggap kami ng ganitong sulat. Okey na rin pala ang nakaraang ULOS. Bunga �yon ng determinasyon ng mga kasama at masa na sa kabila ng maraming gawain ay nakukuhang �magnakaw� ng ilang sandali, ng ilang minuto, oras o araw para sa paglikha ng awit, tula atbp. Pero malaki rin ang maaari pang ika-unlad at ika-ganda ng ating ULOS. Naniniwala kami na ang gawaing pangkultura sa larangan ng literatura at sining ay isang dinamikong proseso ng paglikha, panunuri, at pagpapalaganap ng mga huwaran. Hindi tumitigil, ika nga, ang agos sa ilog ng mga kwento, tula at awitin.

Ang gawaing pangkultura ay isang larangan kung saan ang marilag at dakila sa nakaraan at kasalukuyan ay ating hinahabi at pinagsisilbi sa interes ng sambayanan. Walang mali kung mag-uumpisa tayo sa mga luma dahil dito tayo makakukuha ng inspirasyon at patnubay. Ang inyong rehiyon, halimbawa, ang isa sa mga pinagmulan ng kayraming likha gaya ng mga rebong awit at tula noong 1970s: Ang Gabay, Pantasya, Marcos Baliling, Halina, atbp. Makailang beses ko ring nasilayan ang ilang isyu ng inyong pahayagang Baringkuas.

Hinggil sa pagsasateyp ng mga awitin, nagagawa na ng mga kasama sa ibang rehiyon (halimbawa sa Samar, ST, Bikol at North Mindanao) ang pagrerekord sa loob ng sona. Nagagawa nilang i-convert sa �studio� ang mga kweba, mga bangin o iba pang bahagi ng kagubatan. Sa isang rehiyon, halimbawa, nagawang mai-chorus ng mahigit sampung kadre at Pulang mandirigma ang kanilang mga bagong kanta. Nagawa rin ng mga kasama sa North Minda ang maisarekord ang mahigit 66 na kanta. Padadalhan na lang namin kayo ng mga tape na ito. Ang pagkikinis at pagpaparami ng mga awit ay maaari nating pag-usapan na lamang sa personal. Ang kailangan lamang, ika nga, ay tibay ng loob, matapat na puso, matinding hilig sa sining � laluna sa rebolusyonaryong sining � at kahandaang matuto.

Hanggang sa muli.

STR,

Ka Aileen

Ulos



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.