Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Agosto 1999
Mga Tula
TOC Bangungot


Ang mga puting tala sa bandila mo -- limampu o higit pa -- ay mga pananda mo sa aming mapa ngayong ikaw nga�y abalang-abala sa taimtim mong pagmi-memorya di lamang sa syensiya ng heyograpiya di lamang kung ano ang s�yang kabisera ng kung anong probinsya kundi lalung higit pa kung ilan at kung nasaan ang aming mga minahan ang aming mga taniman ang aming mga pagawaan. Kailangan mo ang mga ito, ang mga panandang-talang ito, gayong ikaw nga�y baliw sa mga kayamanang ang sabi mo sa �yong kabaliwan ay ikaw ang s�yang nagbaon, ang s�yang nagtanim, at s�yang tanging makapagpapatayo,   ikaw na ipinagmamalaki ng lahat ng kapwa mo pirata.   Ang mga pulang guhit sa bandila mo-- ilan na nga ba ang mga ito?-- ay mga rehas na nakatundos sa bawat kurba, sa bawat tadyang ng aming baybayin. Kailangan mo ang mga ito, ang mga rehas na ito (sabihin pang ang makamandag na bagnas at kalawang na nagpapapula sa mga ito ay hindi mo dugo kundi sa amin mismo�t sa aming mga ninuno) �pagkat sa mga anino nito naroon ka�t rumuronda, naroon din ang �yong tolda kung saa�y payapa ka sa �yong pagkukubli, binabantayan kami sa aming pagbibilang ng rehas nakaantabay sa sandali ng aming pagsuko sa oras.   ikaw na di lamang pirata sa laot kundi isa ring pulis-sekretang kilabot.   Ang mga puting guhit sa bandila mo-- bilangin pa ito�y �di na mahalaga-- ay mga piring sa aming paningin. Ang sabi mo�y kailangang kailangan namin ang mga ito, ang mga puting piring na ito, at nang di na namin makita pa na ang mga ito pala�y mas maitim pa sa itim ng aming mga mata. At sa likod ng aming mga bungo itinali mo nang mahigpit ang aming mga piring na ang karugtong na mga himulmol anupa�t mga dila rin namin, luwa �pagkat binanat, maga �pagkat ibinuhol, bulol �pagkat totoong naka-uulol ang impit na mga panaghoy. Subalit anu�t sinadya mong di na madamay pa, ilong nami�t mga tenga at nang sa tuwina�y maamoy namin nang sama-sama ang dahan-dahan naming pagka-agnas, sangsang na ang sabi mo�y sadyang di mo kaya kaya�t sa gabi�t sa umaga�y naamoy din naming naghihilamos ka ng alak, bagay na s�ya ring lilipos sa �yong galak na maya�t maya mo na lamang ipinaririnig sa amin sa palahaw ng Ingles mong halakhak, sa pagitan ng pag-awit mo sa matuling mga agunyas, sa iyong mga tula, sa iyong mga anekdota ikaw na hindi lamang pirata hindi lamang pulis-sekreta kundi isa ring makatang imperyalista.   Maya-maya pa gigisingin ako ng panibago subalit higit na kaaya-ayang bangungot. Masasaksihan ko kung paanong ang hanging lagi nang kasayaw ng iyong mga tala at mga guhit ay bigla na lamang didiklap at tuluy-tuloy na magpapasinaya sa apoy ng aming pulang bandila.


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.